Chapter 3

50 18 0
                                    


Today is another busy day for me. Naglalakad ako ngayon papunta sa opisina ni Ma'am Stacey, head namin. I'm hoping to do another project dahil kaya pa naman ng oras ko.

Kumatok ako sa pinto ng opisina niya. Nang marinig ko na pinapapasok niya na ako ay nakangiti akong pumasok.

"Goodmorning Ma'am."

"Anong kailangan mo?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Luh? Hindi ba pwedeng may itatanong lang?"

Nakaismid naman siyang sumagot. "Napunta ka lang naman sa opisina ko kapag may kailangan."

Umupo ako sa visitor's chair niya at ipinatong ang kamay sa lamesa. "I was hoping for another project since I can still fit one to my schedule."

Isa si Ma'am Stacey sa mga taong agad kong nakasundo rito sa kompanya. Hindi naman siya ganoon ka tanda pero may asawa't anak na siya. As much as possible I want to make my workplace light that's why I try to befriend everyone and no dirty business.

She sighed. "Pasensya ka na Alex, hindi ko dapat sabihin sayo 'to pero alam kong hindi kakayanin ng konsensya ko... May project ka na sana pero nung oras na ipinadala namin ang mga pangalan ng gagawa ay agad nilang pinapaltan ang engineer." Kita ko ang awa sa mga mata niya.

Malapad akong ngumiti at tumawa. " Ganon ba ma'am? Ano ba 'yan sa guwapo kong 'to aayawan nila? Sa susunod magbigay din kayo sa mga clients ng litrato namin, haha panigurado magreresign na mga kasama ko rito dahil sa dami nang kukuha sa'kin."

"Nagbiro ka na naman d'yan."  Natatawa niyang tugon.

"Sige na ma'am uuna na ako, ayun lang naman ang pinunta ko rito."

Agad nawala ang ngiti na nakapaskil sa labi ko pagkalabas ko ng opisina niya. Ganon na ba talaga nila ka-gusto na sumuko ako?

Kahit anong gawin nila hindi ako papayag na bumalik ulit. They are gripping my neck for too long. Enough is enough.

Habang nag-lalakad ako pabalik sa table ko ay pekeng ngiti ang ibinibigay ko sa mga bumabati sa akin. Alam kong ilan sa kanila ay nakakahalata dahil madalas akong magbiro tuwing nandito ako. Pero ngayon para akong tuod sa sobrang tahimik.

"Anong nangyari pre?" Untag agad ni Hunter.

"Wala." Tipid kong tugon.

"Wag ka magalala panigurado pagkatapos nang project mong 'yan ieendorse ka ni Mr. Villamor sa mga kakilala niya."

"Sana nga."

"Sigurado na ako d'yan, sa naririnig ko sa mga kasamahan mo roon mukhang kasundo mo na si sir eh."

Natawa ako sa sinabi niya at mahina siyang sinuntok. "Kahit kailan talaga napaka chismoso mo." Ngumisi lang siya at kinuha ang lapis na nasa gilid ko. Magkalayo kami ng table dahil sa ingay niya, pero ngayong umalis na ang katabi ko na si Rey nirequest niya agad na ipalipat ang kaniyang puwesto.

Napaismid nalang ako kasi kalimitan naman kaming wala sa opisina at on field gumagawa pero talagang lumipat pa siya. Masama ang loob ko sa magulang ko pero hindi ko pinapahalata sa mga kasama ko. Wala silang alam kahit si Noah at Raz na malapit din sa akin. Tanging si Kaye lang.

Halos kakatapos ko lang ng college tapos ganito na. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip nila. Alam kong ayaw nila ang kurso ko noon at sinuportahan lang nila ako dahil sa pangako kong makakapagtapos at babayaran sila. Pero ngayon sila ang gumagawa ng paraan para hindi ako makapag trabaho ng maayos. This is absurd! They've been unfair to me my whole life and now they still are, how long will they continue this mania?

Collide with the storm (Song Series #2) Where stories live. Discover now