Chapter 13

5.2K 128 3
                                    

Cindy's POV

Andito kami ngayon nila Hershey at Nicole sa Headquarters namin. Actually, nirequest ito ng Black Revenge sa Chairman ng university a few years ago pa, and he granted  it right away dahil narin siguro lahat ng gustuhin ng mga members nito, nakukuha nila. Alam nyo naman na pangalawa ang Revengers sa Royalties.

Hindi ako pumasok ngayon dahil pinatawag ako ni Brittany. Naabutan ko lang sila Hershey at Nicole dito na busyng busy sa mga boyfriends nila.

Maya-maya lang, napagdesisyunan ko na pumunta na sa 'conference room' namin. Yeah, you read it right, may conference room kami dito.

Bago pa man ako makapasok, may narinig akong mga boses. Sigurado akong si Brittany yon at may kausap siyang lalaki. Kinutuban ako kaya palihim akong nakinig sa kanila sa labas ng pinto.

"Great job, Marco! Mabuti naman walang nakakita sa mga tauhan mo habang naglalagay sila ng hidden cameras sa loob ng Golden Palace."

"Ako pa ba, Brittany? Basta wag mong kalimutan yung usapan natin."

"Ofcourse my dear. I'll be yours tonight."

What the heck? Hidden Cameras? Siguradong may masama nanamang binabalak si Brittany.

Nagmadali akong lumabas sa Headquarters. Kailangang malaman nila Liah to.

Liah's POV

Kasalukuyan kaming umiinom ng tea nila Aubrey, Cheska, at Kassie dito sa garden nang biglang nagring yung phone ko.

Cindy calling...

Bakit kaya napatawag si Cindy? Sinagot ko agad yung call nya.

"Hello Cinds, napatawag ka?"

"Liah makinig ka. Kailangan nyo'ng mag-ingat sa mga kilos nyo. I heard Brittany, naghire siya ng mga tao para maglagay ng hidden cameras all over the palace."

"What?! Sigurado ka ba jan Cindy?"

"Yes, I am. Malinaw ang pagkakarinig ko. You should all be careful. Knowing Brittany, alam kong may masama siyang binabalak sa inyo."

"Okay then. Thank you for warning us. Mag-iingat ka rin sa kanila ha?"

"Okay i will. I need to go na. Bye."

"Oh Liah? Parang namumutla ka ata?" Tanong ni Cheska.

"Girls, we're being watched."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" -Aubrey

"Nakausap ko si Cindy. May mga hidden cameras daw na pinalagay si Brittany sa loob ng Golden Palace. Mukhang lahat ng kilos natin, minamanmanan nila."

"Sigurado akong hinahanapan nila tayo ng butas. We need to get rid of those cameras as soon as possible. Pero sa ngayon, hindi tayo pwedeng magpahalatang alam natin ito." -Aubrey

"So what do we do now?" Tanong ko sa kanila.

"Let's have a meeting first. Call everybody home."

"But wouldn't it be safer kung sa labas tayo magmeeting? Sa bahay nalang kaya?"

"Yeah that's better. Let's go to Liah's house."

Ayun nga, nagdrive na kami agad papunta sa mansion. Tinawagan narin yung mga boys at pinapunta dito asap.

Papasok palang sana kami pero nakasalubong na namin sila mama Bianca at daddy.

"Oh anak, is something wrong? Nauwi ka ata nang biglaan?" Sabi ni dad.

An Affair with My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon