chapter 4: Veridian University

12.2K 203 12
                                    

A/N: Si Liah po yung nasa right ----------------------------------------------------------------->>>

LIAH'S POV

6:30 am palang. Ang aga kong nagising ngayon. Excited na kasi ako sa first day of classes ng Veridian University. Maya-maya, may kumatok sa pinto.

“Tuloy po.”

Pumasok ang tatlong maids na nakapink na uniform. Sila rin yung mga sumalubong samin ni kevin dati. Sila siguro yung personal maids ko.

“Maam Liah, Kailangan niyo na pong maghanda.”

“Huh? Ang aga pa naman ah?” Nagtatakang sabi ko.

“Basta po maam, yun po ang utos samin ni Ma'am Bianca.

“Ganun ba? Sige, maliligo nako. Hintayin nyo nalang po ako dito.”

So, ayun, naligo na nga ako. Ano ba talagang meron ngayon? Nakakacurious na talaga ah!

Pagkatapos ko, lumabas ako nang naka-robe. Pinaupo ako ng mga maids sa tapat ng side table ko na may salamin. Nakalagay dun yung mga make-up na binigay sakin kahapon nung employee ng salon.

Habang binoblower ng isang maid yung buhok ko, nilagyan naman ako ng make-up nung isa pa. Yung isang maid naman, Inaayos yung uniform ko.

Ang galing magmake-up at mag-ayos ng hairstyle ng mga maids ko. Para silang trained beauticians.

Nung tapos na nila kong ayusan, tinulungan naman ako nung isang maid na magbihis. Ang cute ng uniform namin. Brown siya na may blazer at mini-skirt.

Kinuha ko na yung bag ko. Habang pababa ako ng stairs, binuksan ko yung phone ko.

One message received. From Bezt kong Pogi. 'good morning bezt. Miss na kita. Kita nalang tayo sa school mamaya. Ingat.'

Sweet ng bestfriend ko. Replyan ko nga. 'goodmorning din bezt! ! Excited na ko pumasok. Hahaha :D ingat ka sa pagdrive ha? I miss you too.'

Message sent.

Patuloy lang ako sa pagbaba sa hagdan habang nakatingin sa phone ko nang matapilok ako.

An Affair with My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon