Chapter 19: Jump and Fall

4.8K 119 20
                                    

Liah's POV

"Liah may chismis kami sayo ermehged!" Sabi ni Cheska sabay tili.

"True! Bonggang chismis to friend!"
Sabi naman ni Aubrey.

Nandito kami ngayon sa living room ng resthouse nila Aubrey. Kaming tatlo lang ang tao. Nasa labas yung mga boys ehh nagsswimming siguro.

"Ano ba yun?" Tanong ko sakanila.

Bigla namang ngumiti nang nakakaloko yung dalawa. "Yung bestfriend mo at si Kassie, nahuli namin kanina."

"Nahuling ano?"

"We saw them making out kanina! OMG! Kyaaaah!" Sabi ni Cheska at pinagpapalo yung braso ko sa sobrang kilig.

"Hala nagmake-out talaga sila? Landi pala ni Bezt. Hahaha." Natawa narin ako sa nalaman ko. Binata na talaga bespren ko.

Maya-maya, nakita naming pababa ng stairs si Kassie.

"Hi Kassie! Kayo ahh, balak nyo na agad gumawa ng baby." Tukso ni Cheska. Bigla namang nagblush si Kassie.

"W-wala pa sa plans ko yun noh! Kung ano man yung nakita nyo kanina, a-ano.. namamalikmata lang kayo. Oo tama." Diredirecho yung pagkakasabi n Kassie. Natawa ko kasi hindi siya magaling magsinungaling haha.

"Haha defensive masyado. Tara na nga gala nalang tayo." Yaya ni Aubrey.

"Saan naman?" -Cheska

"Basta. You'll love it!"

Hinila na kami ni Aubrey palabas kaya wala na kaming nagawa. Sakto namang paglabas namin, nakasalubong namin yung apat.

"Oh san punta nyo?" Tanong ni Brix.

"Sa lugar na malayo sayo. Tara na nga girls." Pagtataray ko sakanya.

"Ui sama kami!" Sabi nilang apat. Alam niyo na kasunod niyan. Sumama nga sila.

After a few minutes of paglalakad, nakarating kami sa isang cliff.

"Ito na yun? Wala namang pwedeng gawin dito eh. Unless gusto mong tumalon jan sa bangin." Reklamo ni Cheska.

Ngumiti naman nang malapad sa Aubrey. "Exactly. We'll go cliff-diving."

Parang gusto ko atang himatayin sa narinig ko.

"Sinong takot?" Tanong ni Aubrey. Agad naman akong nagtaas ng kamay.

"Okay, dahil lahat naman satin hindi takot mag-cliff dive, well except for Liah... Siya nalang mauuna."

"What?! Ayoko talaga Aubrey huhu." Maiiyak na ata ako.

"Kaya mo yan Liah! Tignan mo oh, hindi naman masyadong mataas to. Masaya to promise!"

Unti-unti akong lumapit sa edge ng bangin. Gulp. Nakakalula shemayyy! Hindi daw masyadong mataas?!! Eh halos limang palapag na building ang taas nito.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

Si Brix pala.

"Wag kang matakot mahulog. Anjan naman ang dagat para saluhin ka ehh." Ngumiti siya pagkasabi niya nun. Parang lalo namang nagwala yung puso ko sa kaba.

"Ehh..baka masaktan ako.. Ikaw nalang kaya mauna?"

"Nauna na nga akong mahulog sayo." Ano daw? Di ko masyadong narinig ang hina kasi ng boses niya.

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

"W-wala! Tara na nga sabay nalang tayo."

"Waaah s-sige."

An Affair with My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon