Chapter 35

4.5K 106 87
                                    

Liah's POV

Tatlong araw nang hindi nagpaparamdam si Brix. Simula noong lagnatin ako, hindi na siya tumatawag, o kahit text man lang. Nakukulitan na rin siguro si Mr. Winston sa akin dahil sa maya't mayang pagtatanong ko.

Iisa lang naman ang sinasagot niya sakin: "He's very busy."

Yeah. He must be busy enough para makalimutan niya 'ko ng ilang araw.

Nagpagulong gulong ako sa kama ko dahil sa frustration. I don't think I can wait for a few more days! Dededmahin ko talaga yung sungit na yun pagbalik niya. Hmph.

Sa gitna ng pagtatantrums ko, I heard knocks on my door. "Come in," I said lazily.

Pumasok si Jill sa kwarto at lumapit sa'kin. "Miss Liah, pinapasundo po kayo sa'kin ni Sir Alvin. Nasa baba na po yung event organizer."

Nanatili akong nakahiga at pumikit saglit. "Susunod nalang ako, give me 5 minutes."

Isang linggo nalang birthday ko na. Aabot kaya siya?

Tamad na tamad akong bumangon at bumaba sa living room kung saan naabutan ko si Daddy na nakikipag-usap kay Miss Rian. Siya yung magoorganize ng party ko.

According to Dad, maaasahan talaga si Miss Rian sa mga madaliang party. Kahit one week lang kaya niya nang maayos ang lahat.

Pinapili niya ako sa portfolio niya ng mga designs ng cake, arrangement ng venue, and all those stuff. Simple lang naman ang gusto ko, pero mapilit si daddy na gawing engrande yung party kahit hindi ko pa naman debut. Magseseventeen palang ako eh.

Busy ako sa pagview ng portfolio nang biglang may tumawag kay dad.

"Brix, anak. Kamusta ka dyan?"

Mabilis akong lumingon sa direction ni dad nang marinig na kausap nya si Brix. "Si Brix po yan dad?!"

Sandaling nag-nod sakin si daddy tapos ay lumayo ng kaunti samin at nagpatuloy sa pagkausap kay Brix.

Namiss ko nanaman lalo sya. Bakit kasi hindi nya ko tinatawagan?!

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Lumapit ako kay daddy. "Dad, can I talk to him, please?"

Sinabi ni dad sa kabilang linya na gusto ko syang kausapin. "Sorry, my princess, busy daw ang kuya Brix mo. Sa susunod nalang daw."

Lalong bumigat yung loob ko. I'm sure my dad can see kung gaano ako kadisappointed ngayon. Pero I don't care. Nakakainis na talaga sya.

Kung ayaw nya ko kausapin, fine!

"Liah, dear, haven't you decided yet kung sino ang magiging escort mo sa party mo?" Miss Rian asked.

"Gregory Brent Roberts. He will be my escort."

Bahala na.

* * *

It's afternoon now and I decided to walk to the park to ease my mind. Hindi kasi ako mapakali sa bahay. Hindi ko maisip kung bakit iniiwasan ako ni Brix. Kagaya kanina, when he called my dad. He has time, but he's taking me for granted.

Ayun tuloy, sinabi kong si Brent nalang ang gawing escort ko dahil sa pagkainis ko sakanya.

I bit my nail.

Magagalit kaya siya sa ginawa ko?

Someone suddenly grabbed my hand. "Tanda mo na pero yung bad habits mo, ganun parin. Tsk. Stop biting your nails."

I looked up. Si Brent.

"Uy! Ano ginagawa mo dito?"

"I dropped by at your house pero wala ka. Good thing I saw you here. May ibabalik kasi ako sayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Affair with My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon