05

2 0 0
                                    

2020. 02. 24.


Nagising na lang ako sa loob ng hospital.

Ng imulat ko ang mata ko at nakakita ng kapirasong liwanag ay narinig ko ang bulungan at iyakan ng mga taong siguro ay kasama ko sa loob.

Matagal din bago nag adjust ang mata ko at nakita ko sila ng malinaw.

Pero hindi ko sila kilala. Wala akong ideya kung sino sila.
Hindi ko alam ang pangalan nila. Maski pangalan ko ay hindi ko matandaan.

Ng sinabi ko sa kanila yon ay agad silang tumawag ng doktor at inanunsiyo nilang may amnesia ako. Hindi alam kung tuluyan bang nawala ang memorya ko o babalik pa.

Unti unti naman nila akong tinulungan at pinaalala ang mga nakalimutan ko hanggang sa unti unti nga iyong bumalik.

Mula sa pangalan ko, magulang ko, ibang kamag anak namin at mga kaibigan ko.

Akala ko ayos na lahat. Hanggang sa napakinggan ko yung Binhi ni Arthur Nery sa facebook at napatanong ako sa sarili ko kung bait nga ba nawala ang ala ala ko.

Pilit kong iniisip kung anong nangyare pero wala.
SObrang na-lss ako sa kanta niya na yon at lagi ko ng pinapakinggan pero one day nakaramdam ako ng sobrang lungkot ng pinakinggan ko yon.

Nakakarinig ako ng mga bulungan ng nagpapanic na tao sa isip ko pero blurred ang nakikita ko.

BINHI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon