01

11 1 0
                                    

2016. 08. 08.

First day to. Unang batch kami ng Senior Highschool Student. Sa isang school ako ng Manila nag enroll at doon ko siya unang nakita.

Mag- isa lang siya noon at gusto kong lapitan. Sabi ko sa sarili ko-
"Mukhang masayang kaibigan to."

Makikita mo sa kanya na sobrang friendly at masayahin talaga. Kaso nauna ang hiya ko kaya pumunta na lang ako sa classroom at sinayang ang pagkakataon na yon.

Pero hindi pa nagiinit ang pwet ko sa pagkakaupo ay nakita ko siyang pumasok sa room kung nasan ako at sa tabing upuan ko siya umupo.

Napangiti ako nung time na yon. Tinamaan ako, e.

Her name is Shei Yap. Parehas kaming STEM Student. After ng walang katapusang 'introduce yourself' ay nagsimula kaming mag usap.

Sa maniwala kayo o sa hindi, sobrang cringe ng pangyayari na yon.

Nahulog niya kasi yung panyo niya at hindi niya na napansin so pinulot ko at inabot sa kanya.

"Thank you." Sabi niya.

At dahil sa 'thank you' na yon, naging magkaibigan kami. Super close.

BINHI | ✔Where stories live. Discover now