Chapter 13

1.9K 44 30
                                    


PAULIT ulit na sumusulyap si Sera sa kinaroroonan ng binata, nakaupo na siya ngayon dahil natatakot siyang makita o mapansin nito, wala siyang mukhang maihaharap sa binata lalo na at may nangyari sa pagitan nilang dalawa.

Hindi niya aakalaing makikita niya ang binata dito, kung alam niya lang na pupunta pala dito sa eliezer edi sana hindi nalang siya sumama sa kanyang mga kaibigan.

"Pota, sino yun?" Si Samara.

"Ang gwapo nila grabe." Parang lantang gulay naman si arwena.

Napatingin siya kay sashimie ng makitang tulala lamang ito at halos tumulo na ang laway kakatingin sa mga lalake sa kanyang likuran.

"Hoy! Sashie."

Pagtawag niya dito ngunit hindi man lang siya pinansin ni sashimie, para itong isang estatwa. Ang laway naman nito ay tuluyan ng tumulo.

"HOY SASHIE!"

Sa pagkakataong ito si arwena na ang sumigaw, nataranta naman si sashie at pabalik balik ang tingin sa kanila, mukhang nabalik na ito sa sarili.

"H-huh?" Aniya.

"Yung laway mo tumutulo na." Natatawang anang ni Samara.

Dali dali namang pinahid ni sashie ang laway nito at saglit na bumaling sa mga lalake bago umupo.

"Ang gwapo beh." Kinikilig na Sabi ni sashie habang paulit ulit na tumitingin sa mga binata.

Napailing na lamang siya at kinakabahang uminom ng juice na nakalapag sa mesa. "Umorder na tayo ng pagkain para makauwi na tayo." Pag-iiba niya ng usapan.

Sabay sabay na napalingon sa kanya ang tatlo, hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lamang sa pag-inom ng juice.

"Eto naman ang kJ." Si Samara.

"Gutom na ako." Tanging nasabi niya.

Ang to too gusto na niyang umuwi at mag kulong sa kwarto, gusto niyang kahit sa araw na ito man lang ay hindi niya makita ang binata ngunit mukhang minamalas siya.

"Ako na mag oorder." Si arwena. "Waiter!"

Ilang sandali lang ay lumapit ang isang lalake at kumausap kay arwena upang ilista ang order.

"Basta ako, hindi na ako kakain."
Anang ni Sashie.

"Bakit naman." Si Samara.

"Kase sa kanila palang." Tumingin ito sa mga lalake. "Busog na ako."

Wala sa sariling napaubo si Sera sa sinabi nito, natatawa namang umiling si Samara at tinapik ang balikat ni Sashimie.

"Landi mo girl." Si Samara.

"Anong malandi e wala naman akong jowa." Itinaas nito ang dalawang kamay at isinandal ang kanyang  mukha sa likod ng palad nito bago tumingin sa mga lalake. "Yung lalakeng nasa gitna, napaka gwapo niya." Ngumiti ito at napakagat labi. "Ano kayang feeling na maging girlfriend niya, siguro maabot ko ang langit sa piling niya."

Sa ikalawang pagkakataon ay nabilaukan si Sera at nabuga ang iniinom niyang juice sa mukha ni Sashimie na nasa kanyang harapan.

"Omg, kadiri ka." Nakangiwing anang ni sashimie at napatayo.

Napabaling naman si arwena at Samara sa kanila.

"O yan ang bastos mo kase." Natatawang ani Samara.

"Anong bastos?"

"Sabihin ba namang maabot mo ang langit sa piling ng lalakeng iyon." Naiiling si arwena.

Nakagat ni Sera ang kanyang labi at napabuntong hininga, walang kahit na isang salita ang lumabas sa kanyang labi, umayos lamang siya ng upo at muling pinag diskitahan ang inumin.

HOT ENCOUNTER (DelaVega Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon