♡ChApTeR~70♡ (KISS)

Comenzar desde el principio
                                    

"Naligo ka sa baba?" Tanong ko.. tumango siya habang nasa balikat ang towel.. wala syang pang itaas na damit at naka short lang...

Hindi ko maiwasang hindi tignan ang makisig nyang katawan... ang gulo nyang buhok ay masyadong nakaka attract.. namumula ang kanyang labi...halos mapanganga nalang ako ng di oras..guwapo talaga tung boyfriend ko.. suplado lang(-.-)..

"What?" Natatawang tanong nya ng makahalata na sya..nag iwas ako ng tingin. "Your blushing"

Nagulat ako habang nakatalikod sa kanya..

Jusko! Yung heartbeat ko bumibilis shet!

"Asan na yung good night kiss ko?"
Dun ko na sya nilingon habang nakaupo siya sa kama..

"Ha?"

"Yung good night ko asan na?" Tanong nya pa.. napalunok ako..sabay tayo..

"Anong good night kiss?" Tanong ko at pinipigilang hindi mautal...

Gumagaralgal na ang boses ko at kahit anong segundo ay mauutal na ako..

Bigla nalang nyang hinigit ang batok ko gamit ang kanang palad nya at hinalikan...

Ramdam na ramdam ko ang sabik na nasa loob loob nya..ang tamis ng pag halik nya ay masyadong nakakailang...

Gumalaw ng dahan dahan ang kanyang ulo at inangkin ang pang ibabang labi ko... hinigit nya ang bewang ko gamit ang kabilang palad nya papalapit sa kanya.. nabitawan ko ang tuwalyang hawak ko at napakapit sa malamig nyang dibdib...

Tumatagal na ang halikan namin...

At painit ng painit ang labi nya...

Maya maya pa ...

"Ouch!!" Sambit ko ng kagatin nya ang pang ibabang labi ko.. humawak ang dalawang palad nya sa bewang ko at nilock yun.. patuloy akong umiiwas sa mukha nya pero masyado kaming dikit.. napangisi siya ng matapos nyang kagatin ang labi ko..lukong tuh! Gigil na gigil?.. Hinawakan ko ang labi ko at may nakitang dugo... sinamaan ko siya ng tingin pero humalakhak ito ng mahina at hindi nawawala ang ngisi nya..

"Ayuko na nga!" Kumalas ako at humiga na sa kama.. "Good Night" usal ko at nag kumot..napangisi ako matapos magtalukbong..hindi ko alam pero nararamdaman ko paren yung kilig hanggang ngayun..

Napabusangot naman ako ng maalala yung ginawa nya saaken..

Lukong yun ngingisi ngisi pang nalalaman! Ang saket!

Inis na sabi ko sa isip ko..

Noon ay nakatulog ako ng mahimbing...

KINABUKASAN...

Maaga akong nagising dahil narin sa walang mag hahanda ng agahan...pero ganun nalang ang gulat ko ng makita sina Tasia at Finley.. Nung nakaraan kasi ay wala na sila dito.. Hindi rin sila nag
paalam..

"Morning" bati ko..

"Uy! Ikaw pala.. Good Morning" bati ni Finley.. nakahanda na ang lahat sa lamesa...

"Ikaw ah?! Kayo na pala ni sir Sean?" Tanong naman ni Tasia na nasa sofa..

"Ha?" Nagugulat talagang tanong ko..

"Sinabi nung lalaking makulit kagabi" sambit naman ni Finley na gumagawa ng Juice..

Napapikit ako sa inis ng agad na pumasok sa isip ko si Felex...

Lintik na yun!

"Napano yang labi mo?" Nagugulat akong napatingin kay Tasia..

Naupo ako sa lamesa at hindi sumagot sa halip ay nag iwas lang ako ng tingin.

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora