Chapter 11

703 12 0
                                    

A month passed hindi na ako bumalik sa kwarto niya. Hinayaan ko na si Akira since siya naman talaga ang doctor niya. Medyo nagkaroon din ako ng hangover kasi nagyaya sila ng inuman sa condo ko! Na nauwi sa kompronta kay Elle! Jusko! Move on!


"Oh! Inom pa!"


Napaangat ako ng tingin sa naglapag ng gamot sa lamesa ko, anong ginagawa nito dito? Alam ko hindi dito ang department nito?


"Wag kang magtaka! Inutusan lang ako ng Girlfriend ko na nagkataong kaibigan mo!" Napairap ako ng tingin dito. Nakakahiya nandito pa yung resident ko tsaka may next patient pa ako!


"Tsk! Bumalik ka na nga doon, may pasyente pa ako!" Sabi ko turo ang pinto. Tatapusin ko lang ito then uuwi na ako.


Napailing nlang ako tsaka sinabing papasukin na yung next patient ko. Hindi naman nagtagal yung check ups. Next week din ay sunod sunod ang surgery ko kaya wala akong time tsk!


I text Mele a 'thank you' then tinanggal ko na ang gown ko at pumunta sa lobby to sign out. For a month tuwing nagdadrive ako I feel like lonely. Hindi ko alam hindi naman ganito ang nararamdaman ko tuwing uuwi akong magisa.


Hindi na din siya nagtext sa akin matapos nun. Naguguluhan ako sa kanya, ang complicated niya. Hindi ba siya marunong makinig muna bago mang-akusa?


I played my radio and drove away, para may nagiingay pero parang nag sisisi ako. Puro kasi patama ang sinasabi, kung hindi patama pang broken na kanta. Nananadya? Kaya pinatay ko nalang. Nakarating ako sa bahay namin, dito muna ako ayokong umuwi sa condo.


"Anak? Nabisita ka, wala kang pasok?" Salubong sakin ni mom.


"Meron ma, naghalf day lang ako." Sagot ko, umakyat na ako ng kwarto tsaka deretsong humiga sa kama ko. Akala ko mahihirapan akong matulog pero dahil na rin ata sa hangover ko nakatulog agad ako.


Tinatamad kong kinuha ang cellphone kong nagriring tsaka sinagot ang tawag. Ang sarap na ng tulog ko pero okay lang. Nawala na naman ang sakit nun.


"Hello?" Sagot ko. Halatang bagong gising ang boses.


"Ate? Pwede favor?" Narinig ko ang boses ng kapatid ko sa kabilang linya. Ano nanamang kailangan niya?


"Ano?" Tamad kong tanong.


"Padala dito yung extra kong bag sa kwarto please. Yung black." Sabi niya, halatang nagmamakaawa.


"Ano nanaman bang naiwan mo? Napakairesponsable mo ako nagsasabi sayo." Pagalit ko sa kanya.


"Ate mamaya mo na ako sermonan, break namin ngayon tas wala kami prof sa next kaya makakahabol ka pa. Paki dala ah bye!" Tsaka ako binabaan nako kang bata ka! Lagot ka sakin pag bumagsak ka!


Dumiretso akong cr tsaka nagbihis pinalitan ko lang yung damit ko na suot ko sa trabaho. Nakatulog kasi ako na hindi nakapagpalit ng damit sa pagod ko na rin siguro. Pumasok ako sa kwarto ni Sherwin. In fairness malinis, organize din. Pero ang ayaw ko lang ay yung talento niyang manginis. Lalong lalo na sa akin.

Fight For Love (Doctor series #2)Where stories live. Discover now