[Aika's Point of View//POV]
"Mamaaa! Nakita mo ba yung ribbon kong yellow? Kailangan ko yun bukas sa flight namin papuntang Italy" Hay nako. Asan kaya yung si mama? Hindi pa naman siya senior citizen pero lagi siyang nalilito dito sa bahay. 44 years old palang kaya yun.
Wala kasing perang pampagawa ng bahay ang parents ko nung nag-aaral pa ako. Kaya doon kami nakatira sa lola ko kasama ang tita ko. Eh alam ko namang gustong gusto ni mama na magkaroon kami ng sariling bahay.
Kaya nung una kong sweldo sa trabaho, sinimulan ko na yung pagpapagawa ko ng bahay na to. Hanggang 3rd floor lang naman. Syempre may basement, backyard at frontyard din.
Sa first floor, may kitchen, dining room, living room, C.R. at mga guest rooms.
Sa second floor, nandyan yung mga kwarto namin. Dalawa ang master bed rooms, yung sakin at yung sa parents ko. Tapos may dalawa pang kwarto. Ayun yung rooms ng mga kapatid ko. Meron din maliit na room kung saan natutulog si Manang Wena. Lahat ng kwarto namin, may kanya kanyang C.R. Pero syempre sakin lang yung mga mini fridge.
Sa third floor naman, may game room, mini-gym at porch. Yung game room, para sa mga kapatid ko. Suggestion nila yun eh. Yung gym naman, para sa parents ko. Gusto kasi mag work out nila mama at papa. Yung porch, tambayan namin lahat yun pag wala na talagang magawa. Nagpapahangin, nag kakantahan habang natugtog ng gitara at iba pa.
Syempre may sarili din akong paglilibangan. Yung basement. Pinagawan ko ng studio yun. Para sa band ko o kaya tuwing trip namin mag-Jam ng mga kapatid ko. Ako, sa bass guitar at supporting voice[?]. Si Adrian, si lead guitars at lead vocals tapos si Aeron yung sa drums. Astig noh? Grade 2 pa lang si Aeron, magaling na gumamit ng drum set. Rock on, shawty. \m/ At oo, may band ako. Nung highschool pa.
Masama ba magka banda ang isang flight attendant? Oo, flight attendant ako at isa ako sa pinakamagaling sa Airlock. Ang 'Airlock' nga pala ang pangalawa sa pinakamalaki at pinakasikat na Shipping Vehicle na company. Merong Airlock airlines, kung saan ako nagtratrabaho; airlock ships; etc.
"Ate, itanong mo kay Manang Wena. Hindi naman ako ang nag aayos ng damit mo ah." Sabi ni mama. Ate nga pala tawag sakin niyan. Kase panganay ako saming magkakapatid. Tapos ako lang yung babae.
"Oh sige, ma. Asan na nga pala si Aeron at Adrian? Kumain na kayo, may pasok pa yung dalawa." sabi ko
"Tulog pa. Sabihin mo na rin kay Manang Wena na gisingin sila at magluluto na kami ng papa mo." sagot ni mama.
"Ma, si papa may trabaho din." Pinaalala ko kay mama.
"Ah. Wag mo nang problemahin anak. Nasa kainan na, nagkakape." sagot ulit ni mama.
Hayy. Asan kaya yung si Manang Wena? Kabute yun eh. Bigla biglang susulpot kung saan saan o kaya naman bigla biglang mawawala. Makapunta muna kay papa.
"Hi, dad. Good Morning" bati ko kay papa. Tapos cheek to cheek.
"Oh, good morning anak. Kain ka." bati at alok naman ni papa.
"Ah, sige pa. Mamaya na pagkagising nung dalawa. Nakita mo ba si Manang Wena?" Kase kanina ko pa talaga hindi nakikita yun.
"Nandun sa backyard. Sabi ko linisin yung dumi ng mga aso." sagot naman agad ni Papa.
"Sige, pa. Salamat"
Makapunta na kay Manang Wena. Nang matapos na tong WTF kong buhay na to.
"Manang Wena, tapos ka na ba dyan?" tanong ko agad. Eh male-late na kasi mga kapatid ko. Hindi pa sila ligo.
"Ah, opo ma'am Aika. Bakit po?" Naks, sige na nga. Dun ka muna sa game room. Mag enjoy ka. De, JK. =___=
"Nakita mo ba yung ribbon kong yellow?" Kinain mo noh?! De, JK ulet. =)P
"Ah, opo. Naandun pa po sa mga kakakuha ko lang na damit galing sa sampayan" Aaah, kala ko kinain mo na eh.
"Pakikuha nga. Pakigising na din yung mga kapatid ko. Sabihin mo may sunog para magising." Seryoso ako. Yeaaah. \m/
"opo"
Demeretso na ako sa Dining room. Andun si mama at papa. Nandyan na rin ang mga favorite kong breakfast meals. Hula ko, si papa ang nagluto at si mama ang gumawa ng hot choco. Such cool parents.
"Ano anak? Nasaan na yung dalawa?" agad na nagtanong si mama.
"Ma, ginigising na po ni Manang Wena." sagot ko naman.
"Ate Aikaaaaa! Asan yung sunog?! Alis na tayo bilis!" Nako. Baliw nga pala tong si Aeron. Tss. Grade 2 palang kasi eh.
"Etong si Aika talaga. Kung anu ano sinasabi sa kapatid eh. Hahahaha." Patawang sabi ni papa.
"Ano? Walang sunog?" Naguluhan naman tong si Adrian.
"Wala. Alam niyo, ang hirap niyong gisingin kaya sabi ko may sunog. 6am na oh. Di pa kayo ligo." suway ko.
"Hay nako. Si ate talaga. Lahat ng kalokohan, alam. Trip mo kami ngayon noh?" Oo naman!
"Eh kase naman, may trabaho ako bukas. Aalis ulit ako. Hahaha. Bleeeh." Airplane mode. Eff' yeah.
"Kaya naman pala. Ehdi off limits ang 3rd floor. Hayy" sabi ni Aeron
"Oo, mag-aral kayo. Sayang pag papaaral ko sa inyo noh" sagot ko naman.
"Andaldal niyo. Gayahin niyo ko oh. Kumakain at BUSOG. Makaligo na nga." Sarcastic na sinabi ni Adrian.
Ganto kaming magkakapatid. Magugulo, nag-aasaran pero bihira magkapikunan. Mahal na mahal kasi ako niyang mga yan. Syempre trip ko din sila. Mana sila sa ate nila eh. Hahaha.
"Ma'am Aika. Eto na po yung ribbon niyo" biglang sulpot naman ni Manang Wena. Kabute nga kase.
"Ah, sige salamat. Kain ka, manang" alok ko naman. Mabait na bata eh.
"Ah wag na po ma'am Aika. Nag tinapay naman po ako kanina." Sabi ni Manang.
"Sige na, manang. Minsan ka lang naman alukin." sabi naman ni mama.
"Oh, sige na nga po ma'am. Mapilit po kayo eh." Patawang sabi ni Manang. Loko to ah. Pektus you want?
Ehdi pagkatapos namin kumain, binigyan ko ng P300 si Adrian at P50 si Aeron. College na kasi si Adrian tapos Grade 2 pa lang si Aeron. Hinatid ko na din sila. Medyo malayo kasi school nila eh. Tapos male-late na sila. Si papa naman, nag-commute nalang. May dadaanan pa daw kasi.
"Babye Ate Aikaaa! Mmmmmwah!" sabi ni Aeron. Sweet eh. Swerte ng magiging syota niyang paglaki.
"Bye Aeron! Mag-aral ka ng mabuti ha. Makinig sa teachers! Umiwas sa Bullies! Mwaaah" sabi ko sa kanya.
Tumakbo na siya papasok ng school. Hayy nako. Lagi nga yang binu-bully eh. Pero ang sipag pa din pumasok. Gusto ko ngang pektusan yung mga bully dyan eh. Nakakaawa kapatid ko noh.
OMG. Nauna ko pang ikwento ang buhay ko kesa ipakilala ang sarili ko. My mistake. ^___^ Ako nga pala si Aika Louise Fernandez. 24 years old. Kilala niyo na ko ha? Okay. Byee!
_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_
[Chesca's Note: Okay? Intro palang po yan. =) Sorry po sa Typo errors. At sorry kung maiksi. Nabura kasi yung tinype kong long version niyan. Eh nabadtrip ako so yan ang kinalabasan. HAHAHA. Peace, yo. Votes and Comments Please?]
YOU ARE READING
The Red String of Fate
Teen FictionThe Red String of Fate is an old Chinese myth / legend that says every person has an invisible red string tied around their pinky finger. The string connects you to the one who is destined to marry you. What if you had a lover in high school? And y...
