"Nakalabas na nga pala si Daddy sa hospital. May dinner sa bahay, ipapakilala kita kay Mommy at sa mga kapatid ko" sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang labi ko, kumirot ang dibdib ko dahil sa kanyang sinabi.


"Busy ako, pasencya na. Uuwi ako sa bulacan this weekend" sagot ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Ramdam ko pa din ang kanyang titig sa akin.

"Ihahatid kita..."

Mabilis ko siyang inilingan. "Susunduin ako ni Ate"

Muli siyang napatikhim. Patuloy pa ding naghahanap ng pwede naming mapagusapan. "Pwede ba akong pumunta sa dorm mo? Pwedeng makitulog ulit duon?" tanong niya ulit sa akin, ramdam ko ang pagsusumamo sa kanyang boses.

"Hindi na pwede, mahigpit na ngayon yung landlady namin" pagsisinungaling ko.


Napaawang ang bibig ni Kenzo. Mabilis akong napatingin sa aking suot na wristwatch. "May klase pa ako, baka malate ako" palusot ko sa kanya at kaagad na inayos ang pagkakasukbit ng aking bag. Nakita ko din ang pagtayo ni Kenzo, mabilis din niyang inayos ang kanyang gamit.


"Ihahatid kita sa classroom niyo" sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata. Halos may dalawang oras pa ako bago ang susunod na klase, ang totoo ay tatambay lang naman ako sa library.


Nakita ko ang pagtigas ng mukha ni Kenzo.  Bayolenteng nagtaas baba din ang kanyang adams apple. Nagiwas ako ng tingin sa kanya, naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking ulo.


"May dalawang oras ka pa, bago ang susunod mong klase. Saan ka?" malumanay na tanong niya sa akin. Halos mapanganga ako, alam niyang nagsisinungaling lang ako sa kanya pero wala akong narinig na hindi maganda.


Kinakabahan akong tumuro sa gawi ng library. "Baka sa library na lang muna..." nahihiyang sagot ko pa din sa kanya kahit halos gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan.


Bahagya siyang tumango. "Ihahatid kita sa library, please?"


Hinayaan ko siyang ihatid ako sa library. Nagawa pa akong halikan ni Kenzo bago ako tuluyang pumasok duon. Wala akong ginawa kundi ang tahimik na umiyak. Ang tanga tanga mo Sera! Maraming babae ang nangangarap sa pwesto mo ngayon, pero heto ka. Sinisira mo ang lahat! Tangina.


Sabado ng umaga ng sunduin ako ni Ate sa may dorm. Tahimik lamang din siya sa byahe, ramdam ang bigat ng problema na kinakaharap ngayon ng aming pamilya. "Magayos ka na ng papers mo" pagbasag niya ng katahimikan, papasok na kami sa bocaue exit, papasok sa sta. maria.

Kumunot ang noo ko. "Para po saan?" nagguguluhang tanong ko sa kanya.


Bahagya siyang sumulyap sa akin hanggang sa napairap na lamang siya sa kawalan. "Si Mommy na lang ang kausapin mo" tamad na sabi niya sa akin.


Tumahimik ako pagkatapos nuon. Malayo ang tingin ko habang papalapit kami sa bahay. Pareho kaming nagtaka ni Ate ng makita naming maraming tao sa labas ng aming bahay.


"Anong nangyayari?" kinakabahang tanong ko. Hindi siya sumagot, ramdam ko din ang pagkataranta niya.


Pagkapark ng sasakyan ay kaagad kaming bumaba. Nagkakagulo ang mga kapitbahay namin, may mga pulis din duon at ambulansya. Isang umiiyak na kasambahay ang sumalubong sa amin.

Kaagad ba naiyak si Ate ng marinig ang rason sa lahat ng ito. Pinaulanan ng bala ang aming bahay, ang suspetsya ay isa ito sa mga galit na investors ni Daddy.


The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now