Marahan na lamang akong tumango sa kanya. Hinawakan niya ako sa balikat bago siya nagayos para makaupo sa aking tabi. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya naman kaagad kong binasa ang dumating na message.

Kenzo:

Please don't skip breakfast. I miss you so much, Sera. I love you.

Muling uminit ang gilid ng aking mga mata ng mabasa ko ang message niya. Gustong gusto kong sabihin sa kanya na miss na miss ko na din siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko, kailangan kong gawin ito para sa aming dalawa. Mas maagang matatapos, hindi magiging ganuon kabigat ang sakit.

"Sigurado ka na ba?" tanong ni Abby sa akin. Mabilid kong itinago ang cellphone ko para hindi na ako magdalawang isip pang magreply sa kanya.

Nilingon ko si Abby. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Maging siya ay naapektuhan din para sa akin. "Mahal na mahal ka ni Kenzo" marahang sabi niya sa akin.

Bumagsak ang tingin ko sa lamesa. "Alam ko..." malungkot na sabi ko. Mahal ko din naman si Kenzo.

"Hindi ka ba natatakot na mawala siya sayo?" segunda pang tanong ni Abby.

"Natatakot..." garalgal na sagot ko sa kanya. Napasinghap siya kaya naman hinawakan niya ang balikat ko.

"Kung ganuon, bakit mo ito ginagawa Sera?" tanong niya sa akin. Tila ba maging siya ay naguguluhan din sa aking mga ikinikilos.

Matalik kong kaibigan si Abby. Pero ayokong problemahin din niya ang problema ko. Mas ayos ng ako na lang magisa ang magisip tungkol dito.

"You're gonna lose this chance. Sera, please..." pakiusap niya sa akin na para bang gusto niya bumalik ako sa katinuan. Marahan na lamang akong napailing. I was between a tough decision of choosing about what is right and what makes me happy.


Tumagal iyon ng halos isang linggo. Hindi tumigil si Kenzo na magtext at kamustahin ako. May ilang oras na halos, kinailangan pa niyang makiusap sa akin na kitain ko siya.

"Baby, are we good now?" tanong niya sa akin ng siputin ko siya sa may quadrangle. Ni hindi ko siya magawang tingnan, i feel so guilty. Hindi niya deserve itong ginagawa ko sa kanya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ng diretso na makikipaghiwalay na ako, mas madali siguro kung ipaparamdam ko? Mas magiging madali siguro kung bigla na lang maging malabo ang lahat, tapos na kaagad.


Tahimik akong umupo sa kanyang tabi, nagawa pa niyang hawiin ang libro at ilang handouts para makapagtabi kami ng maayos. Gustong gusto kong umusod patabi sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Kita ko ang pagguhit ng sakit sa kanyang mga mata dahil duon.


"Kenzo, I still need time. Alone time" madiing sambit ko kahit ang totoo ay parang nanunuyo na ang aking lalamunan.


Napahilamos siya sa kanyang mukha, tinukod niya ang magkabilang siko sa kanyang magkabilang tuhod. Hindi ko maiwasang hindi siya tingnan, kita kong nahihirapan na din siya sa sitwasyon naming dalawa.


"Iniwasan ko na silang lahat" sabi niya sa akin kaya naman napatango ako. Kita ko naman iyon, magisa nanaman siya sa lahat ng bagay. Magisa siyang kumakain, magisa siyang nagrereview. Ginawa niya ang lahat ng iyon para sa akin, kaya naman mas lalo akong nagagalit sa aking sarili.


Napatikhim siya. Halos mamanhid ang buong katawan ko ng haplusin niya ang aking braso pababa sa aking siko hanggang sa pinagsiklop niya ang mga kamay naming dalawa.


"Ayusin natin ito, Sera"

Bumaba ang tingin ko sa magkasiklop naming kamay. Hindi pa din ako nagsalita. Nang maramdaman niyang hindi ako sasagot ay napabuntong hininga siya.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now