4

7 0 0
                                    

"NGAYON Aphrodite Venus at Xion Alcaeus, pwede ko bang malaman kung bakit nakita namin kayong magkatabing natutulog sa labas?" Tanong ni Nanang Maia, na may nakakatakot na ngiti sa kanyang mukha.

"... tas ayon po yung nangyari." Paliwanag ko. "Sorry po talaga." Himala at sabay namin nasambit. Nagkatinginan kami ng isang saglit at iniwasan ang isa't isa. Nakakahiya.

"Naiintindihan ko kayong dalawa. Kaso gabi at pano kung napahamak kayo? Madilim ang paligid. Lalo ka na Venus. Alam mo naman iyon diba?" Sabi niya sakin. Tumango naman ako at yumuko. Mahina ako sa madidilim. Kaya hindi ako pwede magtagal sa madidilim dahil takot ako. At hindi na siguro mawawala ang takot ko.

Napabntong hininga ang Nanang. "At ikaw naman Xion, bat mo ginagawa yon?" Tanong nito kay Xion. Napabaling naman ako kay Xion. Ano kayang sasabihin niya?

"A-ano uh.. iniinis ko po siya para gumanti siya sakin." Sabi niya. At tama naman ang sagot niya. Hindi siya nagsinungaling. Mas malalim pa ang hininga ni Nanang Maia ngayon.

Siguro kung kuto kami ay tiniris niya na kami. Asar pa more. Ayan tuloy, hindi lang siya ang napagalitan, ako rin. Lagot ako kay Nanang Hera. (ಗдಗ。)Si Nanang Hera ang pinaka nanay ng nanay dito saakin. Kung hindi ako ampon ay napagkamalan ko na siyang nanay ko sa sobra sobrang niyang pagaalala sakin. Hays.

"Sige tumayo na kayo. Wag niyo na uulitin ha?" Sabi ni Nang Maia. Pinalabas na kami sa silid na iyon at tumambad samin sa labas sila Artemis na mukhang nagaalala.

"A-aphro? Huhu sorry. Ayos ang kayo? Huhu sorry talaga kasalanan ko-" Pinutol ko siya at sinabing, "Chill ka lang. Ano bang nangyari?" Napahinga naman siya ng malalim.

"Ganito kasi nangyari.."

// Artemis //

"Pre, gising na.." Narinig ko ang boses ni Sese, nararamdaman ko rin ang pagyugyog niya sakin. Napabangon na ako agad para maghanda sa panibagong araw. Grabe kasi late na kami natulog kagabi. 

"Ano kaya nangyari kila Aphro?" Tanong ko kila Sese. Tatlo pa rin kasi kami hanggang ngayon, wala pa rin si Aphro. 

"Hindi ko rin alam eh. Sana ayos lang sila at bati na." Sabi ni Sese. Pero nakakapagtaka'y hindi nagsasalita si Athena, para bang may bumabagabag sakanya. Hindi ko alam kung tama ang pakiramdam ko pero parang may gusto si Athena kay Xion. Sa kilos niyang para bang nagseselos siya. Pero siguro ay ilusyon ko lang iyon. Imposible naman yon diba? Si Athena ang pinaguusapan natin dito e. 

 Nabasag ang katahimikan nang biglang may kumatok sa kwarto. Binuksan ko naman iyon at bumungad samin si Nanang Maia. "Good morning, Artemis, Sese, Athena at..?" Nang marinig ko yon ay parang nabuhusan ako ng tubig. Napatingin ako kila Athena at Sese. 

Pano na?! Sabi ko sakanila gamit ang mga mata ko. Kailangan may gawin kami.  

Hindi ko alam(● ˃̶͈̀ロ˂̶͈́)੭ꠥ⁾⁾ 「Persephone」 

 Wag niyo ko idamay(ㆀ˘・з・˘) 「Athena」 

 Kasama ka dito ah!!「Ako」 

Dinamay niyo lang ako(ㆀ˘・з・˘)「Athena」

 Ano ba sasabihin natin?! Huhu mapapagalitan tayo!!.°(ಗдಗ。)°.「Persephone」 

"Mga anak..?" Kabadong napatingin naman kami kay Nanang, hindi namin namalayan na andyan pa pala siya. 

Sinamaan ko ng tingin si Athena. 

Hoy! Sabihin mo na palusot!「 ako 」  

Nagkatinginan kami ni Sese at sabay na tumingin kay Athena. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Head Over Heels ( GG Series # 1 )Where stories live. Discover now