1

100 4 4
                                    

NAGISING ako sa sigaw ni Artemis sa aming kwarto. Dali dali akong bumangon upang maghanda na. Binati ko siya at dumiretso sa banyo upang maligo. Panibagong araw nanaman sa Adoptieren Center. Labing apat na ako ngunit di pa ren nakukuha ng foster parents ko.

Pagkatapos maligo ay nadatnan ko sila Athena, Persephone na kagigising palang. "Magandang umaga." Bati ko sakanila at kinuha ang aking suklay upang masuklayan ang kulot at tsokolate kong buhok. Sumunod naman maligo si Persephone, habang si Athena ay nagbabasa ng libro.

Marahil ay maraming nagtataka sa aming mga pangalan. Kami'y pinangalanan nung kami ay limang taon gulang. Kung saan binabase nila ang pangalan sa katangian at isusunod sa similar na goddess, o mga diyosa. Ngunit sa pagkakaalam ko ay Venus ang pangalan ko noon, similar daw ito sa pangalan ko ngayon na Aphrodite. Si Athena naman ay Celeste, si Persephone ay Kore at Diana naman ang kay Artemis.

Aphrodite daw ang pangalan ko dahil sa natatangi kong kagandahan o sabi nila Nanang Hera, eksepsyunal bwuti. Sabi nila ay ang ibig sabihin ay natatangi ang kagandahan at marami daw ang magkakagusto sakin pag nagdalaga ako.

Natapos ang aking pagsusuklay ay humiga ako sandali sa tabi ni Athena na nakatutok pa rin sa pagbabasa. Pinitik ko siya.

"Nagbabasa ka nanaman." Sabi ko, nakangiti sakanya. Matalino si Athena, masipag rin ito at mabait na kaibigan. Sa mga bagay na hindi namin maintindihan ay tinutulungan niya kami.

Ngumuso naman siya. "Maliligo naman ako pagkatapos. Di ka pa ba lalabas para kumain?" sabi niya, tumutok nanaman sa kaniyang babasahin.

"Hindi muna, hihintayin ko kayo. Balita ko may bagong dating dito?" sabi ko. Inaalala ko ang sinabi ni Nanang Hera, may bago daw dito saamin. Lalake daw at gwapo. Bagay daw kami dahil magkalapit daw ang edad namin.

Tumango siya. "Diba sabe ni Nanang Hera bagay daw kayo? Ayiee!" Pangaasar niya. Natawa naman ako.

"Ano ka ba? Ang bata pa kaya naten." Sabi ko, nakangiti. Naiisip ko tuloy ang mukha niya.

Ilang minutong pagkukuwentuhan namin ay lumabas na si Persephone. Kumaway samin si Athena at pumasok sa banyo. Napangiti ako. Ang saya ng buhay ko dahil nakilala ko sila. Lumapit naman si Persephone saken, madalas tawag ko sakanya ay sese. Inabot ko sakanya ang aking suklay, alam ko naman ang ibig sabihin nito. Nawala nanaman niya ang kanyang suklay.

Natawa naman ako. "Nawala nanaman ba?" sabi ko. Sumimangot naman ito. "Hay nako, nawala na naman." sabi niya. Nagtawanan naman kami.

"Sinasabi ko sayo Sese, may mga bagay na maiisip mo ang halaga pag wala na." Sabi ko. Natawa naman siya.

"Ikaw talaga Ven! Ganyan ba talaga pag Goddess Of Love? At balita ko bagay daw kayo ng bago?" Asar niya. Ngumuso naman ako. "Hindi ko crush yon ah! Bata pa tayo!" giit ko. Natawa naman siya.

Kami ay high-school na, nagaaral kami ngunit hindi tulad sa mga bata na sa paaralan mismo. May teacher kami dito bawat baitang, at tinuturuan kami tuwing hapon o umaga. Mababait ang mga tao samin, masaya ako dito kahit iniwan ako dito ng aking nanay. Balang araw ay hahanapin ko siya, at magpapasalamat sa lahat kahit iniwan niya ako.

Matatalino kaming magkakaibigan, ngunit si Athena talaga ang nakakalamang. Sa pagandahan, maganda rin kami ngunit sabi nila ako ang pinakamaganda samin. Matatapang rin kami pero mas matapang si Artemis samen.  Si Sese naman ay mahilig sa bulaklak, at matapang rin o tawag nila ay deyring. 

Mabilis na natapos ang usapan dahil sa mabilis na pagligo ni Athena. Sabay sabay kaming tatlo dahil si Artemis ay nauna na, siguro nakikipaglaro sa mga aso. Sabay sabay kaming tatlo naguusap, papunta sa hapag kainan. Nagsimula namang manaray si Medusa.

Head Over Heels ( GG Series # 1 )Where stories live. Discover now