CHAPTER 17

618 118 39
                                    

Pauwi na ako ng bahay pero hindi muna ako uuwi dahil may mahalagang bagay na dapat kong ma laman, mabilis kong pinaadar ang sasakyan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pauwi na ako ng bahay pero hindi muna ako uuwi dahil may mahalagang bagay na dapat kong ma laman, mabilis kong pinaadar ang sasakyan.

Ilang minuto ang lumipas may napansin akong kakaiba sa loob ng aking sasakyan dahil sa pagtingin ko parang may tao sa back seat, inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at masamang timingin sa taong nandirito.

"Anong ginagawa mo dito? at paano ka nakapasok sa loob?"

Tumawa siya pero hindi inalis ang masamang tingin sa kaniya.

"Macie este Madam Macie, huminahon ka saan ka ba pupunta? nauuntog ako kase ang bilis mo magmaneho"

"Wala akong pakealam sayo, lumabas ka"

"Per--"

"Labas!"

Tarantang lumabas si Rocky ngumiti muna siya ng nakakaasar bago isinarado ang pinto ng sasakyan.

Kumaway kaway pa siya, mabilis kong pinaandar ang sasakyan at inis na bumaba nang makarating ako sa hospital.

Lumakad ako hindi ko pinansin ang mga taong tumitingin sa akin at bumati, pumasok ako sa office ni Doc. Henry at nakita ko siyang may kausap tumingin sila sa akin.

"Mauuna na po ako Doc."

"Mag iingat ka, iha"

Umalis na ang babae at inis akong umupo sa tapat niya.

"Ano na? negative ba?"

"I'll just get the result"

Lumabas siya, habang naghihintay nag ring ang phone ko nakita ko ang pangalan ni Yuan, binabaan ko siya ng tawag at nakita ko sa screen sunod sunod na message.

"Punyeta!"

Inis kong binato ang cellphone ko agad akong tumayo dahil dumating na si Doc.

"This is the result and sorry because your guess is wrong"

"Anong ibig mong sabihin?" kinuha kona ang envelope na brown at nanginginig kong binuksan.

"Tignan mo para ma laman mo, naka ilang ulit ako pero iisa lamang ang lumalabas"

"Hindi 'yan totoo!" umupo ako dahil namanhid ang aking mga paa sa aking nakita, panaginip lang 'to.

"Are you sure ito ang result? ulitin mo hanggang sa negative ang lumabas!"

"Sorry Madam Macie pero kahit ilang ulit iisa at iisa lamang ang lalabas na resulta"

Napasigaw ako sa inis dahil mali ako, mali ang kutob ko.

"Naka drugs ka 'no?" tanong ko kay Doc. Tumawa ako at may luhang dumadaloy mula sa aking mata.

"Doc. Sabihin mo mali 'to! hindi nararapat na mag kamali si Madam Macie!"

CHRISTMAS GIFT ( MADAM MACIE #1)Where stories live. Discover now