CHAPTER 2

1K 202 32
                                    

Andito ako ngayon sa loob ng mamahalin at magarang kotse ko, dahil lahat ng gamit pagmamay-ari ko, kung sino man ang umangal malalagutan ng hininga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Andito ako ngayon sa loob ng mamahalin at magarang kotse ko, dahil lahat ng gamit pagmamay-ari ko, kung sino man ang umangal malalagutan ng hininga.

"Manong, gawin mo ang trabaho mo"

"O-opo, Madam Macie"

Lumabas si Manong nakikita ko maraming students na aligagang tumitingin sa aking namahaling kotse.

Dahan-dahan akong lumabas, kita ko kinukuhaan nila ako ng litrato para bang sikat na celebrity ang kanilang makikita. Well, Sino ba ako? ako lang naman si Madam Macie period, ang babaeng maganda, sexy higit sa lahat perpektong mukha hindi ako papayag na may humigit sa'kin dahil, si Madam Macie nagiisa walang katulad.

Inalis ko ang shades ko at naglakad  ng Dahan-dahan, ipinakita ko sa kanila kung gaano kaganda ang Red gown ko, huminto ako dahil may narinig akong bulungan sa bandang gilid.

Tumingin sila sa'kin na para bang pusa na takot na takot na hambalusin ng dos por dos, tinaasan ko sila ng kilay.

"Ulitin mo ang sinabi mo"

"Ho? wala po kaming sinasabi"

Nanginginig sila ngayon, hinawakan ko sila sa mukha at inilapit ang perpekto kong mukha at bumulong.

"Uulitin niyo o ipapatanggal ko kayo sa pagmamay-ari ko?"

"Sabi po namin ang ganda niyo"

Puri sa'kin ng isa na medyo nerd, medyo lang, kaunting ayos lang sa pagmumukha at basura niyang katawan, maayos at makinis na ang kaniyang balat dahil puno ng peklat ang kaniyang katawan.

"Ikaw"

"Ako po? B-bakit po"

"Sa oras na malaman ko na hindi 'yan ang napagusapan ninyo , humanda ka talaga at ipatitikim ko sayo kung gaano kasarap ang pinapangarap mo! naiindihan mo ba?"

"O-opo"

"Manong! nauubos oras ko bilisan
mo, Punyeta!"

Tarantang tumakbo sa gawi ko si manong at akmang hahawakan niya sana ang aking kamay para alalayan maglakad, tinaasan ko siya ng kilay.

"Sino nagsabing pwede mong hawakan ang makinis at malambot kong kamay?"

"Sabi ko nga Madam"

"Not Madam, just call me Madam Macie"

"Opo Madam Macie"

CHRISTMAS GIFT ( MADAM MACIE #1)Where stories live. Discover now