CHAPTER 10

962 160 79
                                    


Chapter 10
"Uh ano ba! inaantok pa ako ang ingay mo!" 
Nakapikit ako at sinuway ko ang taong katabi ko, wait! what? Katabi ko? Agad kong minulat ang aking mga mata at gulat na tumingin sa lalaking katabi ko sinipa ko siya kaya naman, nahulog siya...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Chapter 10


"Uh ano ba! inaantok pa ako ang ingay mo!"

Nakapikit ako at sinuway ko ang taong katabi ko, wait! what? Katabi ko? Agad kong minulat ang aking mga mata at gulat na tumingin sa lalaking katabi ko sinipa ko siya kaya naman, nahulog siya sa aking kama, tumayo siya at nakahawak sa kaniyang balakang at gulat akong tumingin sa kaniya ganon rin siya.

"Anong ginawa mo sa akin? Bakit ka andito?"

"Aray..... bakit mo ako sinipa, nagasgasan tuloy ang gwapo kong pagmumukha"

"Ang tanong ko sagutin mo! Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit nga ba ako andito?"

"Punyeta! lumayas ka! manyakis!"

Hinahampas ko siya ng unan pero wala siyang ginawa kundi ang umilag

"Nakakasakit kana!"

Hinawakan niya ako sa kamay at pinipigilan sa paghampas sa kaniya.

"Umalis ka dito! punyeta ano ba ang ginagawa mo!"

"Ayaw mo 'ah..... bakit ba ang kulit mo? Madam Macie  ang sakit!"

"Hindi ako titigil sa paghahampas hangga't hindi ka lumalabas! bitawan mo nga ako!"

Nagulat ako dahil nahulog kami sa sahig, nakapatong siya sa'kin at ang kaniyang kamay nakalapat sa sahig, gulat akong tumingin at malaki ang mata.

"Kamuha mo si pickachu, ang laki ng mata mo ay mali! Kamukha mo si doraemon"

Tumawa siya, binigyan ko siya nang matalim na tingin

"Huwag mo ako asarin alam mo, may kamukha ka"

"At sino? Sus.... nag-iisa ako, walang katulad"

"Hindi ka nag-iisa may kamukha ka,"

"Sino nga?" Nag-isip ako saka ngumiti sa kaniya.

"Kamukha mo si Mickey mouse, dahil ang laki ng ilong mo tapos.... 'yang tenga mo"

"Cute at pogi naman sa paningin mo"

Sinipa ko siya dahilan nang pag-alis niya sa aking harapan tumayo ako at umupo sa kama.

"Umalis ka umalis ka sa kwarto kung hindi--"

Binuhat niya ako, nakapwesto ang aking uluhan sa kaniyang likod at karga niya ako, nakapatong ang aking katawan sa kaniyang balikat at hawak ang aking paa upang hindi ako mahulog.

"Bitawan mo ako! Yuan, Yuan!"

"Sabihin mo muna, Gwapo at cute ako"

"Kapal!"

"Mo?"

"Ugrrg! Put me down!"

"Okay, fine"

Binitawan niya ako napahiga ako sa malambot kong kama at sinipa siya sa tiyan.

Lumakad ako patungo labas at iniwan si Yuan na sumisigaw dahil sa aking ginawa.

"Inday, Inday!"

Tumakbo si Inday palapit sa akin.

"Pupunta ako sa likod at gusto ko, sa pagbalik ko wala na 'yang lalaking 'yan"

"Sino po ba 'yon? Boyfriend niyo?"

"Isa pang tanong ikaw ang--"

Hindi ko na natapos dahil tumakbo siya palayo sa akin.

"Masusunod po!" sigaw niya at lumakad na ako patungo sa likod kung saan nakalibing ang aso ko.

"Chicay..... kamusta ka? Nakakain ka ba?" tanong ko at hinahaplos ang labi' niya

"I miss you, huwag ka mag-alala, maayos ang lagay mo d'yan dahil nakakabaong ka 'yun nga lang  mainit at nakabaon ka sa lupa.

"Chicay, patawarin mo ako 'ah kasalanan ko kung bakit ka namatay, hayaan mo, gaganti ako bibigyan kita ng hustisya."

Pinunasan ko ang aking luha dahil may tumawag sa aking pangalan.

"Madam Macie, wala na po siya, patay na siya" kunwaring umiiyak si Inday at kunot noo akong tumingin sa kaniya.

"Patay na si Yuan? bakit?"

"Hindi, patay na 'yun aso 'yan oh! Madam Chicay, miss ko na si Chicay"

"Hindi ka niya miss tapos na ba ang pinapagawa ko sayo?"

"Opo  ayos na at andon siya sa sala"

"Ano??" Binatukan ko siya.

"Sabi ko po andon sa sala 'yun hinanda kong pagkain"

"Huwag mo akong pinagloloko, ako si Madam Macie--"

"Ikaw si Madam Macie, ang ayaw mo ang loko lokong kagaya ko at ayaw mo na hindi sinusunod ang gusto mo, sus.... Madam Macie  huwag mo na ulitin dahil kabisado ko na line mo"

Umalis ako sa kaniyang harapan, pumasok sa loob at umupo sa supa, binuksan ang Tv at bumungad sa akin ang news tv kung saan si Joanna ang aking ginaya.

"Madam Macie, totoo nga! Si Ma'am Joanna at tignan mo 'yun suot niya, 'yan 'yung suot niya noong una niyang punta dito, Omg!"

Ininom ko ang tea ngumiti ako, nakarinig ako ng sigaw mula sa kusina.

"Inday tinanong kita kung anong mero'n"

"Opo" lumakad na siya patungo sa kusina at kumain ako ng cake, strawberry cake ang gusto ko dahil, bukod sa favorite ko ang color pink lahat ng pink gusto ko.


Lutang na naman si Inday jusmeyo....


"Hanggang ngayon wala pang balita sa nanay ko!"

Tumingin ako, nakita ko si Gelyn na sinisigawan ang mga katulong tumayo ako at lumakad sa gawi nila.

"Bakit mo pinapagalitan sila? Who are you?" pumikit muna siya bago ako sinagot.

"Hanggang ngayon wala pa ang nanay ko"

"Anong gagawin ko? Inuutusan mo ba ang Madam Macie na kagaya ko? Tandaan mo katulong ka lang at amo mo ako"

"Ang punto ko, ma'am" binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Una sa lahat ayaw ko ng tinatawag akong ma'am, boss ect. Just call me Madam Macie, at pangalawa gumawa ka ng paraan para mahanap ang nanay mo tandaan mo, katulong ka hindi ka boss para utusan ang hampas lupang katulong kagaya mo"

"Inday, kuhain mo ang unan kumot, damit ni Joanna at Bibisita tayo sa lungga niya"

"O-opo"

Umalis na si Inday at umakyat sa itaas, tumingin ako kay Gelyn.

"At ikaw, huwag mong sisigawan ang mga katulong at huwag kang gumaya sa'kin dahil  kahit kailan, hindi mo magagaya ang Madam Macie kagaya ko! naiindihan mo ba? at.... tandaan mo mas maganda, maputi, makinis at higit sa lahat," tumingin ako sa kaniyang itsura.

"Hindi mo ako kayang higitan katulong ka at mananatiling katulong"

Umalis na ako lumabas sa bahay at sinalubong ako ni Manong Lito.

"Madam Macie, saan po ang punta?"

"Pupunta tayo sa lungga ni Joanna"

"Lungga?" tumawa siya, pumasok na ako sa loob habang hinihintay si Inday nag ring ang phone ko at nakita ko si Yuan.

"Anong problema mo?!"

"Thank you sa halik at yakap mo, gusto mo ba maulit 'yun?"

"Tsskk" tumawa siya

Pero natulala ako dahil sa kaniyang tawa ang sarap pakinggan, parang... Urgh! No way, si Madam Macie? ummhh.... hindi pwede, hindi! i hate this feelings...

"Sa susunod huwag kang tumawag dahil wala kang karapatan!" inis kong binaba ang tawag at nagdial dahil may nakalimutan akong sabihin.

"Akala ko ba hindi ka Tatawag? E, bakit ka tumawag? Miss mo agad ako?"

"Kapal! may nakalimutan lang akong sabihin"

"Ano 'yon? na... Mahal mo ako? Na masarap akong katabi? Yakap ka kaya ng yakap sa'kin"

Binato ko ang cellphone dahil sa inis.

"Oh! Madam Macie bakit?"

"Ang tagal mo! Bilisan niyo!"

Napasabunot ako sa inis inaalala kung anong nanyare kung, niyakap ko ba siya? Kainis! humanda ka sa akinYuan.

"Mainit ang ulo ni Madam"

"Manong Lito, bilisan niyo na lang magdrive"

"Opo"

Bumaba na ako nang makarating kami sa presinto, nakasunod sa akin si Inday habang si Manong Lito maghihintay na lamang sa labas. Maingay ang presinto, maraming criminal na sumisigaw sa loob ng kulungan.

"Where's Ms. Martinez?"

"Sumunod po kayo"

Sumunod ako sa tomboy na pulis at natanaw ko na si fake mom na inaaway ng mga babae sa loob.

Nang makita niya ako tumayo siya at humawak sa rehas huminto ako.

"Dinalaw kita para bigyan ka ng kumot, unan at pamalit ng ilang araw baka kasi sabihin mo wala akong care sayo"

"Let me go out here; I need to talk to Liandro"

"Kawawa ka naman mukhang one month ka pa tatagal sa lungga mo, paano si Allyson? Kawawa siya kung walang ina pero huwag kang mag-alala aalagaan ko siya tulad ng pag-aalaga mo sa Daddy ko kahit Hinuhut hutan mo siya ng pera"

"Did you come here to annoy me?"

"No pero..... parang gano'n na nga ito ang kumot para hindi ka humiga sa sahig na madumi at puno ng alikabok sabagay, bagay ka naman diyan kase ang buong pagkatao mo, madumi at amoy basura dahil ang plastic hindi tinatapon lang dapat nga sinusunog para mabura at hindi na kumalat kung saan"

Hindi siya nakasalita binigyan niya lamang ako ng matalim na tingin.

"Ganito na lang hintayin mo makauwi si Dad para mailabas ka d'yan hindi ka naman guilty hindi ba?"

"Wala akong kasalanan!"

"Easy tinatanong lang pero mag-iingat ka sa diyan sa lungga mo dahil..... alam mo na"

Sumisigaw pa siya at binigay ko na ang dala ko para sa kaniya, tinapon niya lang iyon at hindi kona pinansin kung ayaw niya wala akong pakealam, si Madam Macie, hindi pinag-aaksahan ang marumi at mukhang perang kagaya niya, lalo na ang isang kabet na Pokpok na kagaya niya.

"Inday, umuwi na tayo"

"Yes po, Madam Macie, nakita mo 'yun? grabe astig niyo, Madam Macie, idol ko talaga kayo"

"Ang dami mong sinasabi" pumasok na ako sa loob ng sasakyan umikot si Inday saka pumasok sa loob katabi ni Manong Lito.

Ilang oras lamang  nakarating na kami sa bahay, bumaba na ako at pumunta sa aking kwarto dahil pagod ako. Ang pagod nagpapahinga dahil si Madam Macie hindi pinag-aaksahan ng oras dahil mahal ang oras ko....


My time is priceless no one can buy it...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
CHRISTMAS GIFT ( MADAM MACIE #1)Where stories live. Discover now