"Ano palang ginagawa mo dito?" pag iiba ko at umayos din naman s'ya ng tayo.

"How are you? Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit paba sa'yo?"

Umiling naman ako, "Maayos ako, wala akong nararamdaman na kahit ano kung hindi sama lang ng loob." sagot ko at marahan naman siyang napangiti.

"That's fine, everything's will be fine. Just rest and calm your mind, think only positive things to ease your feelings, okay?"

Tumango ako at muling tumingin sa mga mata niyang alam kong pagod na din.

Ang mga mata niya ay hindi na maka mulat nang sobra dahil sa pagod nito, and the way na mag usap siya ay makikita mo din talagang pagod s'ya.

Malumanay ang boses niya at hindi na gaano katulad ng dati na matigas at seryoso. Ngayon kasi ay may halong pagod sa pananalita niya.

Hindi ko alam at hindi ako sigurado kung may nag tanong na sa kan'ya nito pero,

"Ikaw? Kamusta ka? Okay ka lang ba?" tanong ko na ikinatahimik niya.

Mas lalo kong napatunayan ang mga sinasabi ko. I know na sobrang pagod na s'ya tapos dinadagdagan kopa.

Ang dami niyang personal problem na hindi ko maitanong sa kan'ya dahil sa hiya.

At ngayon, nakapanatili siyang nakatingin sa akin dahil sa tanong ko.

"I'm also tired that's why I'm here." sagot niya kaya napahinga ako nang malalim.

"Dito mo ba gusto mag pahinga?"

Tumango ito at mas lumapit sa akin,

"I wanna rest with you."

Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ako.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang katawan, ang pag hinga niya, at ang amoy niyang napaka sarap sa ilong.

Sobrang sarap sa pakiramdam kaya napapapikit na lamang ako habang ito'y nakayakap sa akin.

"Do you want to sleep with me?"

Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko na lamang siyang yumakap sa akin kahit hanggang kailan n'ya gusto.

Napapakalma n'ya ang puso't isipan ko. Hindi ko alam kung makakaramdam pa ba ako ng galit o ano.

Kaya hindi ko din magawang tignan si Lexus bilang isang kaaway o ano dahil sobrang gaan ng loob ko sa kan'ya at walang makakapag pabago nito.

***

Bumalik kami sa loob at sa tingin ko ay dahil nandito naman na si Lexus ay siguro dapat na din siyang makilala nang mas maayos ng mga magulang ko.

Hindi ko pa kasi nababanggit sa kanila na kasintahan ko ang diyos na sinasamba nila.

Sa totoo lang ay hindi ko din alam kung paano haharap sa kanila o paano sasabihin ang tungkol dito.

Baka kasi tumutol lamang sila.

Nang makaharap kona ang mga magulang ko, nahihiya pa akong tumingin kay Lexus.

Muli silang nag bigay galang kay Lexus kaya walang nagawa si Lexus kung hindi mag bigay galang din.

Medyo nahihiya ako sa sarili ko. Never ko kasing niluhudan si Lexus.
At kung luluhudan ko siya ay hindi sa ganitong paraan ko gusto.

Eme!

Humarap na sila sa isa't-isa at sa akin naman nabaling ang mga tingin nila.

Ahm, wait, paano koba sisimulan?

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now