34

9.3K 323 12
                                    

Nasa tapat ako ng pintuan ni Lexus at balak ko sana s'yang katukin dahil gusto kong kamustahin ang kalagayan n'ya.

Medyo maayos naman na ang pakiramdam ko ngayon at pinilit ko din talaga pumunta dito para tignan si Lexus.

Bigla-bigla kasi s'yang nawawala, naiinis ako kapag hindi ko s'ya nakikita.

Nang katukin ko ang pintuan ay tumagal pa ng ilang segundo bago n'ya ito buksan. Pag bukas niya ay napatingin ako sa kabuoan ng katawan n'ya at medyo nabigla dahil wala s'yang suot pang itaas.

Tumalikod ako dahil medyo nakakahiya pero nagulat ako nang higitin n'ya ang kamay ko papasok sa loob.

Hays, anong gagawin ko? Nakakahiya!

Isinara n'ya ang pinto at nahihiya naman akong nag lakad papunta sa sofa at tsaka naupo.

"Why are you here? You're not safe here. Nasa paligid lang si Aisler." seryoso nitong pagkakasabi at nag suot ng puting t-shirt. Nakita kopa ang sugat n'ya sa likod na nakakapag-alala.

"Kapag gusto mong pumunta sa kuwarto ko mag pasundo ka sa'kin, I'll pick you up." usap pa n'ya at lumapit ito sa bandang drawer n'ya.

Para namang sinasabi n'ya na gusto ko s'ya puntahan dito anytime. Baka mamaya ay kung ano pang isipin ng iba. 'Buti nga nakapunta ako dito ng walang nakakakita, eh.

"Ngayon lang naman ako pumunta dito tsaka gusto ko lang kamustahin ka, okay naba ang sugat mo? Mahapdi pa ba?" tanong ko at may hawak naman s'yang box na maliit at na curious naman ako kung anong laman nito.

"I'm fine. By the way, I have something to give you." sabi n'ya at inilapag sa lamesa 'yung box na maliit. "Ano 'to?"

Naupo s'ya sa tapat ko at dumekwatro, "Just open it, I know you want it."

Kinuha ko 'yung box at napatingin pa ako sa kan'ya bago ito buksan. Nang buksan ito ay nakita ko namang isang bilog na maliit ang laman nito.

Napatingin ako sa kan'ya at tila tinatanong ng mata ko kung ano 'tong binigay n'ya.

Marahan naman s'yang ngumiti, "Medicine ball."

Medyo nanlaki ang mata ko sa isinagot n'ya at tinignan mabuti 'yung bilog. Medicine ball ba talaga 'to? Luh, bakit parang natutuwa akong makakita ng ganito? Bibihira na kasi ito.

"Teka, saan mo nakuha 'to?" nakangiti kong tanong at tila natutuwa naman s'ya dahil tuwang-tuwa din ako sa regalo n'ya, "That's not important. Inumin mo na 'yan kung gusto mo talagang maalala 'yung nangyari sa game."

Medyo nag bago ang hulma ng mukha ko. Teka, gusto koba talagang maalala 'yung nangyari sa game o na cu-curious lamang ako?

"Lexus? Alam mo ba kung anong nangyari sa game? Ikuwento mo nalang kaya sa'kin?" sabi ko at sumeryoso naman s'ya. "Of course, hindi naman nawala ang ala-ala ko."

Wait, edi ibig sabihin all this time alam n'ya lahat ng nangyari sa game? Paano nangyari 'yon? Lahat kasi kami ay burado ang memorya tungkol doon pero s'ya ay hindi nawalan ng ala-ala?

"Sa bagay, madami ka sigurong medicine ball kaya naalala mo lahat ng nangyari." sabi ko nalang at tinignan naman n'ya ako, "No, because you are holding the very last medicine ball."

Natahimik ako at napatingin sa hawak ko. Ano bang tinutukoy n'ya? Ibig-sabihin ay ito na ang huling medicine ball?

"Paano mo naalala 'yung mga nangyari?" pagtataka ko at napaiwas pa s'ya ng tingin bago sumagot,

Muli n'ya akong tinignan, "I made that game. So why would I forget everything?"

Nagulat ako sa sinabi n'ya at halos malaglag ko ang hawak ko. T-teka, s'ya ang gumawa ng larong iyon? S'ya?

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now