25

9.4K 327 18
                                    

Kinabukasan, nagising ako dahil sa kumakatok sa pinto ko. Napakamot pa'ko sa ulo ko dahil sa katamtamang inis.

Gulo-gulo pa ang buhok ko at pipikit pikit pa ang mata dahil sa antok. Sino ba kasi ang katok ng katok!

Tumayo nalang ako at nag tungo sa pintuan ko upang buksan iyon. Pag bukas ko ng pinto ay nanlaki naman ang mata ko nang mukha ni Lexus ang nakita ko. May dala dala pa s'yang pagkain.

Ano bang ginagawa n'ya dito? sabi ko sa kanya 'wag na n'ya akong lalapitan, eh.

"Bakit ka nandito? Alam mobang 6 AM palang?" takang tanong ko habang nakahawak sa pinto.

"I just brought some breakfast for you. Sabi kasi ni Eurich bihira ka daw kumain." sagot naman n'ya.

"Hindi din naman kasi ako nagugutom. At tsaka bakit ba ang aga-aga nang iistorbo ka? at tsaka 'di ba sabi ko sa'yo 'wag kanang lalapit sa'kin?" seryoso kong sambit.

Binigyan lang n'ya ako ng isang marahan na ngiti kaya natahimik ako. Pinapalambot talaga n'ya ang puso ko tuwing nakikita ko ang ngiti n'ya.

"Just eat this." maikli n'yang usap at kinuha ko nalang 'yung pagkain na nasa tray at ipinatong muna sa lamesa.

"Lexus, pagkatapos nito itigil mona 'to dahil ayokong mapalapit sa'yo." seryoso kong sabi na ikinaseryoso din niya.

"I know. Just let me do this now and I won't bother you again, I promise." may lungkot pa sa tono nito kaya hindi ko alam ang isasagot ko.

Pumasok ako sa sitwasyong ito para alamin kung sino ang pumatay sa kapatid ko at hindi para umibig. Makakasira lang s'ya sa plano ko kung hahayaan kong makuha n'ya ang loob ko. At tsaka hindi ako sigurado kung may kinalaman s'ya sa pagkamatay ng kapatid ko kaya naman iniiwasan ko talaga ang mahulog sa kanya.

"Hindi kita gusto, Lexus. Itigil mo na 'to, please. I'm begging you, ayokong mapalapit sa'yo." malumanay at seryoso kong saad na ikinatahimik at medyo ikinalungkot ng mukha n'ya.

"Yes, I know... I understand."

Huminga ako ng malalim at tinignan n'ya akong muli sa mata.

"Blythe," banggit nito sa pangalan ko at medyo nabigla nang hawakan n'ya ang isa kong kamay.

"This is the first time I will say this in my entire life...Blythe...I love you. I really do." usap nanaman n'ya na nakapag patibok sa puso ko nang mabilis, sobrang bilis.

Hindi...hindi puwede.

Nagising ang diwa ko at binawi ang kamay ko mula sa kanya.

"Lexus, ilang beses kobang sasabihin-"

"I know, I know that you can't love me back. Tss, I don't even know why am I doing this. Hindi ko makilala ang sarili ko dahil sa'yo. I don't understand why I'm doing this for you. Hindi ka mawala sa isip ko, hindi ko alam ang gagawin ko tuwing hindi ka nakikita. I'm always worried about you. Hindi ako makatulog kaiisip sa'yo!" saad nito at hinintay kopa ang idadagdag niya.

"I swear, I'm trying. I'm trying to stop myself from loving you. Dahil alam kong mali...hindi tama. I don't even know kung anong nagustuhan ko sa'yo. You're such a weird, you're moody, ang sungit sungit mo. You don't even know how to respect me as your king. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito nalang ako ka apektado 'pag dating sa'yo."

natahimik ako at hindi na alam ang sasabihin pa. Wala akong maramdaman ngayon dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa pinag sasasabi n'ya.

"Are you done?" tanong ko nalang at para naman s'yang mababaliw na hindi alam ang gagawin at sasabihin.

"Damn it! Bakit kasi ikaw pa!" inis n'ya at hinawakan ang magkabila kong braso at tinignan ang mukha ko.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now