CHAPTER 13 ~ Love ~

133K 3.2K 368
                                    

CHAPTER 13

DAWN'S POV

Nanatiling nakatingin lamang ako kay Delta. Kilala ko si Delta bilang manager ni Triton na may professionalism. She even refused to go here at BHOCAMP dahil alam niya na family business ito ni Triton. Pero mukhang hindi niya rin pala kayang magpakapropesyonal ng matagal.

"Goodluck with that then."

Akmang tatalikod na ako ngunit nagsalita siyang muli na kaagad ko namang pinutol. "Dawniella-"

"Miss Davids, for you." I smiled at her sweetly. "It's not everyday that I get bombarded by things about my past and especially about that man. But now I got my bearings, let me ask you a question Miss Villanueva. What made you think you can talk to me the way you talked to me back then?"

Naguguluhang tinignan niya ako na mukhang nagtataka sa pagbabago ng tono ko. "A-Ano-"

"You cannot talk to me like I'm a person you're managing. And you cannot tell me what to do and what to don't. As far as I know, you're nothing to me." I widened my smile. "Unfortunately, the same for the man in question. Now if you'll excuse me, I got a lot of things to do than talk about trivial things."

"Hindi ka nararapat para sa kaniya."

"Because you are?" I faked a laugh. "Wag mo akong patawanin Miss Villanueva. Naguguluhan man ako sa ngayon pero iisa lang ang alam ko."

"W-What is it?"

"If I'm not good enough for him then no one will."

"You're not that perfect!" she said with gritted teeth.

"Alam ko. At hindi ka rin perpekto."

"Hindi kayo tama para sa isa't-isa."

"Makinig ka sa akin ng mabuti, Miss Villanueva. Triton may someday find a person he will be with. It may not be me. But he will always remember that he had me, something close to perfection." I smiled at her. "And I am hell sure about it."

Naglakad na ako palayo at hindi ko na inintay pa na makapagsalita siya. I give it to that woman. Siguro ay nahawaan siya ng kayabangan ni Triton. Too bad for her dahil alam na alam ko kung paano soplahin ang kauri ng lalaking iyon.

It must be hard for her to handle a thick headed man like Triton. Pero wala akong panahon na makisimpatiya sa kaniya. Kung tutuusin dapat sakin siya makisimpatiya dahil hindi lang ang Triton na iyon ang hawak ko.

Try handling all the agents and we'll see if you can keep yourself sane enough to get by.

Dumiretso ako sa headquarters ng BHOCAMP. Ngunit bago pa ako tuluyang makapasok sa gusali ay may bigla ng sumulpot sa harapan ko.

"Sweetheart!"

"Triton." walang ganang sabi ko.

"Galit ka pa rin sa'kin?"

"I'm always angry at you."

Nilagpasan ko na siya at pumasok na ako sa loob. May ilang mga agents ang nasa loob at may kaniya-kaniyang ginagawa. Nang makita nila ako at mamataan nila si Triton na nakasunod sa akin ay mabilis pa sa alas kwatro na umalis sila.

Wise.

"Nakausap ka na ba ni Delta?"

"I don't want to hear her name, Lawrence. I've got enough of that woman for today."

"Dawn, tinutulungan lang niya akong magpaliwanag sa'yo." Kunot na kunot ang noo na hinarap ko siya. Bumuntong-hininga siya at nag tangka na hawakan ako ngunit lumayo lang ako bago niya ako maabot. "Dawn..."

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon