CHAPTER 27 ~ I-Madonna ~

123K 2.6K 80
                                    

CHAPTER 27

DAWN'S POV

Magkasalubong ang kilay na pinagmasdan ko si Athena at Hera na ngayon ay nasa harapan ko. Kukurap-kurap pa sila na animo nagpapakainosente ng todo. Kung hindi ko pa sila kilala siguro ay naniwala na ako.

"Pakiulit nga ulit kung bakit nandito kayong dalawa sa ganitong oras ng gabi?"

"Ate naman eh!" reklamo ni Athena. Kanina ko pa kasi sa kanila pinapaulit-ulit kung bakit sila nandito. Natutulog na ako kanina nang magising ako dahil sa pambubulahaw na sila.

"Hindi kita kapatid."

Nakangusong naglabas ng lollipop si Athena at isinubo iyon. "May hinanda kami na bachelorette party para sa iyo. Kaya magbihis ka na ate Dawn dahil nandoon na ang iba pang mga babaeng agents. Baka magwala na si ate Freezale kapag hindi ka pa dumating roon."

"For goodness sake it's eleven in the evening!"

"Alangan namang umaga ang gawin namin na bachelorette party ate!" nakanguso na rin na sabi ni Hera.

"Pwede namang umaga talaga. At saka isa pa hindi pa naman bukas ang kasal ko."

"Kailangan talaga bago ang kasal at saka gawin ang party? Hindi naman ah! Besides ate, bukas kailangan mong maagang magpahinga dahil madaling araw ang kasal ninyo ni kuya Triton. Hindi ko nga alam kung bakit iyon pa ang napili niyo. Paniguradong maga pa ang mukha ko no'n."

"I know right! Kailangan ko ng matinding pampering bukas." segunda ni Athena.

Naiiling na iniwan ko na lang sila sa sala at nagtungo ako sa kwarto para magbihis. Wala naman akong magagawa dahil hindi nila ako titigilan kung hindi ako sasama sa kanila. Kung bakit naman kasi kailangan pa ng bachelorette party.

Nang makapasok sa kwarto ay kinuha ko ang phone ko at kaagad na dinial ko ang number ni Triton. Hindi naman nagtagal at sinagot niya iyon, "Dawn?"

"Hindi ka pwedeng pumunta ngayon dito."

"What? Why?"

"May bachelorette party daw ako. Panigurado na papunta na rin diyan ang mga boys para hatakin ka kung saan."

Katulad kasi ng mga nagdaang gabi ay pumaparito si Triton kapag tulog na ang mundo. He especially wants to be with me tonight since bukas ay hindi na kami pwede magkita dahil sa tradisyon.

"Can we just skip it?"

"Kaya mong kumbinsihin ang mga taong iyon?"

Natahimik siya sa kabilang linya. Alam namin pareho kung gaano katigas ang ulo ng mga agents. Alam namin dahil wala kaming pinagkaiba sa kanila.

"Tri."

"I miss you."

"We've been away for just three hours."

"Miss kita eh! May reklamo?"

Pinaikot ko ang mga mata ko. Isa pang makulit ang isang 'to. "Sabi ko nga wala. Anyway, I'm gonna put down the phone. Baka gibain ni Athena at Hera ang flat ko kapag hindi pa ako magsimulang mag-ayos."

"Are you not gonna tell me to stay away or not to stare at the women those guys will surely hire?"

A smile crept to my lips. "No. Because I wouldn't stop staring if the girls will hire men to entertain us."

"A-Ano?!"

"Bye!"

"Hey, Dawn! Don't you dare put down-"

Nakangising pinutol ko ang tawag. Paniguradong hindi siya mapapakali buong magdamag. Tignan ko lang makapagpokus pa siya sa mga babae na kukunin ng mga BHOCAMP boys. As for me...it's not like things like that entertains me.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon