BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1

280K 3.3K 241

A/N: 

MEANING: Private A1

Private: Secret

A1: Highest classification (in society) , highest standard, first-class. In short parang Boss.

PS: Hindi ako ang nakaisip ng title kundi ang highschool friend ko ^_^

PROLOGUE

I'm Dawniella Davids. The head of BHO CAMP division, an agent and a college professor.

Sabi nila mataray daw ako, short-tempered, amazona, cold hearted at kung ano-ano pa. My class alwayas cowered with fear whenever they see me. At hindi lang sila kundi maging ang ilan sa mga kakilala ko.

Ilang beses narin akong hiniwalayan ng mga naging boyfriend ko. At kalimitan sa mga iyon ay nauuwi sa hindi magandang mga pagtatalo.

I didn't bother to care. In the first place...I haven't had the chance to fell for any of them. Hindi pa kasi tumatagal ang relasyon namin ay nakikipaghiwalay na agad sila sa akin.

Did I try to change myself?

...

...

No I didn't.

I need someone who is strong enough to handle me. Not some cowards who cannot accept who I am.

I continued my life like how it used to be. Breaking up doesn't matter to me. Masaya na ako sa buhay ko. Wala akong problema dahil walang nagtatangkang banggain ako...well...except for one.

Triton Lawrence.

A happy go lucky guy who flirt with anyone wearing a skirt.Hindi na mabilang kung ilang babae ang nahumaling sa pinagmamalaki niyang charm. Ilan din sa mga iyon ang pinauwi niyang luhaan.

Oh, yes, I hate him. I hate how he doesn't take anything seriously. Idagdag pa na head din siya ng BHO CAMP. Head of the CAMP division. I'm the A1 of my devision, BHO. Pero kahit na ganoon ay pakiramdam ko ako lang ang gumagawa ng lahat ng trabaho dahil lagi naman siyang wala.

I hate him because he have million ways to irritate me. Magkaibang-magkaiba kami ng ugali. But despite all that...we have one common denominator.

We both can't stay in a relationship.

Mukhang nakahalata naman ang mga magulang namin dahil natagpuan na lang namin ang sarili namin na pinapapili ng mapapangasawa namin sa listahan nila. And no...hindi kami nirereto sa isa't-isa.

But we both don't want to be married like that. So we made an agreement.

Tutulungan niya akong maging mas approacheable and he'll teach me how to date without intimidating my date and to have fun.

Then I will teach him how to manage the organization and how to be more responsible.

That's it.

Is it easy? Do we get along and stop clashing?

...

...

Hell no!

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Basahin ang storyang ito ng LIBRE!