Prologue

13 1 0
                                        

Lahat tayo may dahilan kung bakit tayo nabubuhay.

Ang pinagkaiba lang,

Yung iba nakarating na don, yung iba hindi pa at yung iba hindi na.

Pero tingin ko, nakadepende na yung mga bagay na to sa atin eh. Iba iba naman kasi tayo ng gustong mangyare.

Minsan masyadong mataas yung gusto natin. Oo, hindi naman masama mangarap kasi libre naman pero syempre, alangan naman mangarap ka nalang. Kelangan maabot mo din yun diba, kung sakali?

Pero kasi, minsan sa kadahilanang masyadong mataas yung pangarap natin. Hindi na natin nakikita yung kung ano yung mga dumadating satin. Minsan, yun na pala yun. Pinalalagpas pa natin. Kaya sa huli, nagsisisi.

Okay lang mangarap ng mataas.
Pero wag mong kalimutan bigyan ng pansin yung NGAYON. Yung mga panahon na kulang ka pa. Yung mga panahon na hindi mo pa alam. Yung hirap na nararamdaman mo para maresolba ang isang bagay. "Celebrate each progress" ika nga nila. Kasi eto rin yung mga babalik balikan mo kapag nandun ka na sa pinatutunguhan mo.

Ang galing ko magsalita ano?

Kala mo talaga eh.

Hmm..

Ako?

San na ako?

Well....

Hindi ko din alam.

SandataDonde viven las historias. Descúbrelo ahora