DRABBLE 4: GOAL!

26 1 0
                                        

Characters: Murakami Shingo x OC with Tegoshi Yuya as Hina’s (Murakami Shingo) soccer buddy in cat mascot*

May pinapatalastas na isang particular na sports drink na ineendorso ng mga national soccer players na makikita sa isang wide screen ng isang building.**

“Sugoi!”, nasabi ni Zai nang napanood ang CM.

“Mas magaling kung lalaruin mismo yan kesa papanoorin lang. “ Isang lalaki na may inosenteng mga mata ang nasa sa kanyang harapan. Meron syang hawak na soccer ball at nakasuot ng blue uniform na katulad ng suot ng mga national soccer players sa CM.

“Let’s go!”, at inakbayan nya si Zai.

Pumunta sila sa isang stadium, pero dadalawa lang sila. Ang buong field ay para lang sa kanila, sa ngayon.

“Zai-chan, magpalit ka ngayon ng damit at isuot mo ito.” Binigay ni Hina ang blue uniform, na katulad ng suot niya, sa kanya.

Nang nakapagpalit na si Zai ng uniform, namangha si Hina at nasabing, “Bagay sayo ang uniform nay an, Zai-chan!”

Napangiti lang si Zai.

“So, simulan na natin?” at sinimulang sipain ni Hina ang bola papunta sa goal.

“Hoy, Hina-san, chotto mate!” sinusubukang habulin ni Zai si Hina, pero nang malapit na sya sa kanya, sinipa ni Hina ang bola nang malakas, at umabot ito sa goal.

“GOOOOOOOOAL!”, sigaw ni Hina.

“Subarashii, Hina-san!”, pumalakpak si Zai.

“Subukan mong habulin ang bola! Sinipa muli ni Hina ang bola.

Sinusubukang agawin ni Zai ang bola mula kay Hina, pero dahil sa masyadong mabilis gumalaw si Hina kaya di nya maabutan ito.

“Masyado mabilis si Hina-san! Mag-istay muna ako rito at panoorin muna sya.” Tumigil sandali si Zai.

Nang malapit na sa goal si Hina, biglang sumulpot ang isang cat mascot malapit sa goal. Nagulat si Hina at nadapa… Sa sobrang pagkagulat, pinuntahan nya ang mascot at pinalo ang ulo nito!

“Ikaw NEKO! Anong ginagawa mo dito?!” Tinanong nya ang mascot habang pinagpapalo nya ito sa ulo… Kawawang mascot.

Nagulat din si Zai sa mascot, pero since love nya ang mascots, nilapitan nya ito.

Nagsalita bigla ang cat mascot, “Itigil mo na ang pamamalo, Hina-kun! Ako lang ito!” Tinanggal ni NEKO mascot ang mascot head.

 “Tegoshi-kun? Pano mo nalamang nandito kami?” Gulat pa rin si Hina lalo na’t nakita nya ang kanyang  kouhai soccer buddy.

“Sinundan ko kayo… Gusto ko lang ibigay ito sa inyo ni Zai-chan.” Hawak ni Tego ang mga bote ng sports drink. “Gusto ko rin sanang makipaglaro sa inyo ng soccer. Pwede?”

Umoo lang si Zai.      

“Since pumayag sya, then OK...”
      

“Yossha!”

At naglaro sila ng soccer together.

*The author relates it to Tegomass’ single, Neko Chudoku, wherein Tego and Massu dressed as a cat. ^_^
**the said CM is just product of author’s imagination, yep, imbento lang, unless meron ngang ganitong CM. Pag ganun, coincidence lang po ang lahat, haha… 

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jan 30, 2021 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Dates with Idols: Drabble SeriesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang