Characters: Sakurai Sho x OC with Koyama Keiichiro as field reporter
Naglalakad si Zai sa pedestrian lane nang mapansin nyang sinusundan sya ng isang lalaking nakasuot ng cap at face mask. Binilisan niya ang lakad nya dahil mukhang kahinahinala ang lalaki, pero naabutan at nahawakan ng lalaki ang wrist nya. Sisigaw na sana si Zai nang tinakpan ng lalaki ang bibig nya at inalis ang kanyang face mask. Nagulat si Zai nang makita nya ang idol newscaster.
“Sakurai-san!?”
“Sshh!!! Gomen… Sabihin mo na lang kung san tayo pupunta.”
Alam ni Zai na takot si Sakurai Sho sa heights, at ayaw nya ng nakakatakot, at dahil gusto ni Zai na i-overcome ni Sho ang kanyang fears, nagdecide na lang sya na yayain si Sho sa isang amusement park.
“EH?! Majide?! Demo alam mo naman na ako ay…alam mo na… “
“Sakurai-san, gusto ko kasing ma-overcome mo ang takot mo. And I’m sure na pagkatapos nito, marerealize mo na lang na masaya pala ito!”
Nag-aalinlangan si Sho kung papayag sya o hindi, pero nauwi na lang sa pagsama kay Zai habang hawak hawak nya ang kanyang wrist, at isinuot na ang kanyang face mask.
Nakarating sila sa pinakamalapit na amusement park, at tinry nila ang iba’t ibang rides.
Hindi naman nakakatakot ang unang atractions na napuntahan nila, kaya sumunod na pinuntahan nila ang horror booth ng park. Pakapasok pa lang ng booth, di na makalakad si Sho, at sa tuwing may susulpot na kung anuman, sisigaw siya. Nayakap pa nga nya unintentionally si Zai nang isang beses.
“Ah, gomen…” at patuloy silang naglakad
Pagkalabas nila ng booth, at habang medyo nanginginig si Sho, isang lalaking may hawak na microphone ang sumulpot kasama ng isang cameraman. Bilang kilalang field reporter, iniinterview ng lalaki ang mga namamasyal sa park. Akala ni Sho na familiar sa kanya itong reporter, kaya tinapik nya ang balikat nito, at sabi “Eh, Kei-kun?! Koyama-kun?”
Pero tumawa bahagya ang lalaki at ang sabi, “Yeah, ako nga si Kei, pero hindi Koyama. Kamukha ko lang yun, at tsaka, mas magandang lalaki naman ako dun sa single eyelid-man na yun! Anyway, anong feeling nung pumasok ka sa booth na yan?
Nasabi lang ni Sho na, “MADILIM sa loob, at syempre NAKAKATAKOT!” Napatawa nang bahagya si Zai.
“Kamukha talaga nung lalaking yun ang kouhai kong kapwa ko newscaster! Anyway, san ang sunod nating pupuntahan?”
May binulong si Zai kay Sho, at nag react ang huli, “EH?!” habang tiningnan ang pinakamataas na roller coaster sa area nay un. Tatanggi na sana si Sho, pero hinila sya ni ai papunta dun. Pagkarating, umupo sila sa front seats ng roller coaster. Excited si Zai, pero kabaligtaran ang nararamdaman ni Sho.
Nang nagsimula na ang ride na gumalaw, at sa bawat loop, di na mapigilan ni Sho na sumigaw.
Pagkatapos ng ride, nakikita ni Zai na pinagpapawisan si Sho habang hinahabol nya ang kanyang hininga, at di na makagalaw at di na makaalis sa upuan nya.
“Daijoubu desu ka, Sakurai-san? Hontou ni gomen nasai! Sana di na lang kita inimbitahang sumakay dito, para di ka nanginginig nang ganyan. Nagsosorry si Zai habang continuous na nagba-bow sya.
“No…Di mo na kelangang magsorry.”
“So, anong feeling ng sumakay sa roller coaster?” Anjan na naman si Kei, at tinatanong si Sho.
“Nakakatakot… pero masaya… at ang taas ng roller coaster… at TIGILAN MO NGANG MAGTANONG! Nakakatakot talaga!”
Tumawa sina Zai at Kei.
“Pero, naenjoy ko ang date na ito.”
YOU ARE READING
Dates with Idols: Drabble Series
FanfictionA series of drabbles about a fangirl's dates with her idols. Author: riemaynine Characters: Various Johnny's idols Genre: Humor Rating: G Disclaimer: The author owns the OC, but not the idols. The events are just products of the author's imaginati...
