DRABBLE 1: FISH ME!

44 4 14
                                        

Characters: Ohno Satoshi x OC with Kato Shigeaki as the mysterious fisherman

At 9am, habang nakaupo si Zai sa isang bench ng park, dumating ang isang morenong lalaking nakasuot ng bucket cap, at may dala-dalang balde at fishing rod.

“Konnichiwa, Zai-chan!” bati ng moreno kay Zai

“Konnichiwa, Ohno-san!”, bati naman ni Zai habang nakangiti.

Nagsimulang maglakad ang dalawa, at expected na ni Zai na magiging tahimik ang paligid dahil alam nyang si Leader ay isa talagang ‘man of few words’.

Nakarating sila sa favourite destination ni Ohno. Pinaupo muna niya si Zai sa bench sa riverbank habang nilalagay nya ang pain sa dulo ng kanyang fishing rod at nagsimulang mangisda. Maya-maya, nakakuha sya ng medium-sized na isda at nilagay nya sa balde.

“Wow, sugoi!” Pagkakasabi ni Zai, nagulat na lang sya nang hinawakan ni Ohno ang kamay nya, at tinuruang hawakan at gamitin nang tama ang fishing rod. Habang nangingisda si Zai, merong humila sa nape ng damit ni Ohno. Isang young man in his complete fishing attire ang humila kay Ohno papalayo sa riverbank.

“Hoy! Akin yang pamingwit na yan! Tingnan mo, may nakaukit sa hawakan. KATO. Apelyido ko yan!” sabi ng lalaki habang nakaturo sa fishing rod.

“Anou… Nalimot ko lang ito sa basurahan. Pasensya na.” Nagsorry si Ohno.

“OHNO-SAN! Mukhang… mukhang may nabingwit ako…Ambigat!... Tasukete!”                  

“Chotto mate! Oy, Kato-kun, tulungan natin sya.”

At tinulungan ng dalawa si Zai na iangat ang fishing rod, at nagulat sila na nakahuli si Zai ng salmon.

“EH?! Sha-ke? Ang pagkakaalam ko sa dagat makakahuli ng salmon, hindi sa ilog.” Nagulat si Zai sa nahuli nya.

Inihaw nina Ohno at Zai ang nahuling salmon. Habang kumakain, inistorbo sila ni Kato.

“Oy, di mo ba alam na kaya nakahuli ng salmon si Zai-chan ay dahil sa maswerte kong fishing rod?”

“Tapos? Ano gusto mong sabihin?” tanong ni Ohno.

“Pahingi naman ako! Hehehe… “

Masayang kumain ang tatlo, tapos tinanong ni Ohno ang lalaki, “Ano nga palang pangalan mo? Kamukha mo yung kouhai kong fishing buddy!”

“Ako nga pala si Kato Shi… KATO SHIGEYUKI!” At patuloy lang syang kumain.

Itinuloy na rin ni Ohno na kumain habang nagtataka pa rin si Zai at mukhang familiar sa kanya itong si Kato Shigeyuki.

Dates with Idols: Drabble SeriesWhere stories live. Discover now