DRABBLE 3: SIZZLING DATE!

24 1 0
                                        

Characters: Ohkura Tadayoshi x OC with gluttonous Masuda Takahisa

Isang gabi, bibili sana si Zai ng pagkain sa isang store kung san madalas syang kumakain, napansin nyang crowded ang paligid ng tindahan. Nakipagsiksikan sya, pero nang nasa sa store counter na sya, nakita nya ang sign na “Sorry, we’re closed.” Napatungo na lang si Zai, pero nang lumingon sya, nakita nya ang isang lalaking nakaupo sa isa sa mga upuan, nakatitig sa kanya nang ilang Segundo tapos tumungo. Pinuntahan ni Zai ang lalaki.

“Ohkura-san! Di kita napansing andito ka pala!”

“Hai… Bibili sana ako ng hamburgers para satin, pero nakita kitang nakipag-unahan sa mga tao, kaya naghanap ako ng mesa na makakainan natin, pero pagkaupo ko, nakita ko na sarado na pala sila, nakakadisappoint lang!”

Napabuntong hininga na lang sila, tapos maya-maya sinaggest ni Tacchon na “Ano kaya kung maghamburger tayo sa bahay? At hinawakan niya ang kamay ni Zai, papuntang bahay.

Nang nakarating sila sa bahay ni Tacchon, naghintay si Zai sa sala habang nagluluto si Tacchon.

Habang naghihintay, naamoy ni Zai na merong nasusunog, kaya pumunta sa sa kusina para tingnan kung ano ang nasusunog, at nakita nyang tinatapon ni Tacchon ang sunog na hamburgers.

Alam ni Tacchon na di ineexpect ni Zai na masusunog ang niluluto niya, kaya nagsorry sya, “Gomen ne? Kasalanan k. Nalimutan kong tingnan ang mga ito… Anou, mag Yakiniku na lang tayo sa halip na sizzling hamburgers.”

“Anou…May naiisip ako kung pano natin lulutuin ang karneng yan. Ano kaya kung magSISIG tayo?!”

“SISIG? Nanya kore?”

“Isang sizzling plate delicacy ng Pilipinas. May kamag-anak kasi ako dun, and every time na bibisita ako sa kanila, sisig ang inihahanda nila. And I think kumain na si Sakurai Sho ng sisig… Anou, pwede ko bang gamitin ang kusina?”

At nagsimula na siyang magluto habang nagoffer si Tacchon na tulungan sya.

Pagkaluto, inihanda ni Tacchon ang sizzling plate ng sisig, at nilagyan ni Zai ng fresh egg sa ibabaw!

“UMAI!” Pareho nilang nasabi.

Pagkakalagay nila ng sisig sa mesa, pareho silang bumalik sa kusina para kunin naman ang mga plato at utensils. Pero nang bumalik sila sa dining area, nakita nilang may bawas na ang sisig. Nagtaka sila ngayon kung sino ang kumain, until marinig nila ang kalansing ng plato at utensils sa ilalim ng mesa. Sinilip ni Tacchon ang ilalim ng mesa, at nakita dun si Masuda Takahisa ng NEWS na masayang kumakain.

“Oi! Lumabas ka jan, Massu-kun!”

“Ow…Owkei!” lumabas si Massu at ipinagpatuloy ang pagkain.

At kumain ang tatlo. Habang kumakain, tinanong ni Tacchon si Massu, “Bakit ka pala andito sa bahay ko, at paano mo nalamang nagluto kami? At date naming dapat to ni Zai-chan e!”

“Ah… Dinala ako ng aroma ng pagkain dito sa bahay mo…By the way, KORE WA UMAI!”

“Ewan ko kung isa kang baboy o isang aso!” tumawa si Tacchon. Napatawa rin si Zai.

Sumimangot sa una si Massu, pero maya-maya, tumawa na rin sya… tinawanan ang sarili!

Dates with Idols: Drabble SeriesWhere stories live. Discover now