33

9K 328 53
                                    

[FLASHBACK]

Luna's Point of View


Nasaan kaya si Lexus? Kanina ko pa s'ya hinahanap pero 'di ko s'ya makita. Saan nanaman kaya pumunta 'yon?

Nasa tapat ako ng pintuan ng kuwarto n'ya at hanggang ngayon ay walang nag bubukas ng pintuan kaya obvious naman na wala s'ya sa loob.

Nakakainis! Sayang ang effort ko! Ang ganda pa naman ng cake na ginawa ko tapos 'di n'ya makikita? Nakakasama talaga s'ya ng loob!

Kinatok ko na lamang ulit ang pinto pero wala talaga kaya binuksan kona. Kaya ko naman talagang buksan 'to pero 'di ko ginawa dahil alam kong magagalit s'ya. Ang sungit pa naman n'ya at ayaw n'ya nang pumapasok ako sa kuwarto n'ya. Akala mo naman may itinatagong bangkay sa ilalim ng kama n'ya kung makapag react tuwing napasok ako dito.

By the way, I'm Luna. Mayroon akong mahabang buhok, maliit na mukha, gummy smile, at 5'4 ang height ko. Obvious naman na maganda ako kaya 'wag na kayong mag taka, maliit na bagay.

So, ipinatong kona ang cake sa lamesa ni Lexus at kinakabahang lumabas dahil baka mamaya ay nandiyan lamang s'ya mamura pa n'ya ako.

Ewan ko ba sa kan'ya kung bakit ayaw sa'kin ang ganda-ganda ko naman at mabait naman ako. Ano bang gusto n'ya sa babae? Malaki katawan katulad ng mga babaeng member ng A.G? Iww!

Pagka labas ko ng kuwarto n'ya ay nakangiti ko namang isinara ang pinto n'ya at tumingin sa paligid baka kasi mamaya gulatin n'ya ako pero mukhang wala naman s'ya kahit saan kaya nag patuloy na ako mag lakad at balak kona sanang umalis. Balak ko kasi puntahan si Ate sa G.U. at miss na miss kona ang pag susungit n'ya. S'ya si Ate Lucy, ang queen of all. Masungit s'ya pero okay naman s'ya kapag good mood. Mabait naman s'ya pero ang hirap n'ya kausapin, ayaw n'ya kasi sa maingay. Magkaibang-magkaiba talaga kaming dalawa.

Papasakay pa lamang ako ng elevator ay nagulat naman ako nang may mag takip sa bibig ko. Nawala ang masaya kong mukha at nabalot ito ng takot. Amoy na amoy ko si Aisler kaya naman kabang-kaba ako sa mga oras na'to.

Hinigit n'ya ako at wala naman akong magawa dahil sa lakas ng katawan niya. Nagsimula ng tumulo ang luha ko dahil alam kong may hindi s'ya magandang gagawin.

Obsessed s'ya sa 'kin at ilang beses na n'ya akong pinag tangkaan kaya hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang matakot nang sobra.

Dinala n'ya ako sa kuwarto n'ya at agad nitong isinara ang pinto. Tinulak n'ya ako pahiga sa kama n'ya at napa-atras naman ako agad.

"Ano nanaman bang ginagawa mo, Aisler?! Wala kapa din bang balak tigilan ako?!" galit at lumuluha kong tanong dito pero siya ay nakangisi lamang.

Natatakot akong tumingin sa kan'ya habang siya ay dahan-dahang papalapit sa akin.

Natatakot na ako sa mga oras na ito at hinihintay ko lamang na iligtas ulit ako ni Lexus katulad ng palagi n'yang ginagawa.

"Lexus is not here, Luna. He's in the palace. So, I can do whatever I want to do right now." nakangisi nitong usap at ako naman ay binato s'ya ng unan, "Huwag kang lalapit! Papatayin kita!" pag babanda ko at agad tumayo at tumakbo para sana tumakas pero agad n'ya akong hinabol at nang mahuli ako ay mahigpit n'ya akong niyakap mula sa likod.

Binuhat n'ya ako habang ako naman ay pumapalag at pinipilit makaalis. "Bitawan mo na 'ko, please!" pakiusap ko habang umiiyak pero s'ya ay hindi pa din tumitigil.

"You are mine, Luna...just mine!" saad nito at inihiga ako sa kama. Wala naman akong nagawa dahil masyado akong payat at magaan upang lumaban.

"Pakawalan mo'ko, please!" pakiusap ko pero ayaw n'yang gawin. Itinali pa n'ya ang mga kamay ko sa kama na mas ikinalakas ng iyak ko.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now