"Just kidding." sabi nalang ni Thaddeus at lumapit ito kay Eurich. Si Eurich naman ay inis na umiwas sa kan'ya.

Natapos ang first round at lahat naman kami ay siguradong makakaligtas. Pero 'yung isang babae kanina na Vina ang pangalan ay hindi nagawa ang utos kaya naman awtomatiko itong namatay.

"Only those I'll mention will survive. Blythe, Eurich, Lexus, Aisler and Thaddeus, you will reach the second round. Congratulations!"

Naka hinga kami nang maluwag nang sabihin iyan. Napa tingin naman ako kay Eurich na mukhang ayaw na pumunta sa second round.

Speechless rin s'ya dahil sa ginawa ni Thaddeus kanina.

"Dapat kase hindi ka na sumama!" medyo inis kong sabi sa kan'ya.

"Sorry, hindi ko naman kase alam na ganito kahirap." natatakot n'yang sagot.

"It's not that hard." usap ni Thaddeus at napairap naman ako.

"Tss, mukha ngang nag e-enjoy ka." seryosong ani Eurich at tumalikod ito.

"Of course I'm not." tanggi nito at nilapitan si Eurich at tila nilalambing.

Napatingin na lamang ako kay Lexus
at ganoon rin naman s'ya.

"You won't make it to the third round." sabi nito.

"Of course she can." si Aisler naman ang sumagot. Hindi nalang ako nag salita at in-snob ko na lamang sila parehas at nag lakad na ako palabas.

Lumabas na kami ng bahay na'to para mag tungo sa kabila. Wala akong idea sa second round pero sana hindi ganoon kahirap.

Kapag nalagpasan namin ang limang round, p'wede na ulit kaming bumalik sa school.

Pumasok na kami sa loob nitong kabilang bahay. Mas malaki ito kaysa doon sa isa.

Ano naman kaya ang sunod ngayon?

"Welcome to this endless house and this is your second round. This game is called "Hide and Seek". You have to hide in any corner of the house you want. What is found will die, and what is not found will live. You have to finish one hour to survive this round." saad agad ng isang boses lalaking hindi nakikita. Basta na lamang nag sasalita pagka pasok namin.

So, tagu-taguan ngayon? kung sinong makikita ay mamamatay, at kung sinong hindi mahahanap pagka lagpas ng isang oras ay mabubuhay?

Kailangan pala naming galingan ang pag tago para walang mamatay sa'min.

May dumating pa na dalawang lalaki. May mga dugo pa sa mukha nila at mukhang kagagaling lamang rin nila sa ibang game.

"Now that you're complete, let's start the game. Choose one of you who will be the bet, and after you have chosen the bet, choose a partner who will hide with you. Goodluck, everyone!"

Nag lapitan na kami at pinag botohan kung sino ang magiging taya.

Si Eurich ang napili. Hindi talaga ako sang ayon pero madami sila na pumuli kay Eurich dahil mukhang hindi madaya.

Halatang ayaw n'ya kaya ako na lamang ang nag volunteer.

"Ako nalang." sabi ko pero hindi sumang-ayon si Aisler.

"No, I insist." sabi nito na medyo ikinangisi ni Lexus.

"Si Aisler na, he can do better." suhesyon ni Thaddeus at sumang-ayon na lamang rin kami.

"We can start now." sabi ni Aisler. Agad hinawakan ni Thaddeus ang kamay ni Eurich at umalis na.

Umalis na din 'yung dalawang lalaki kanina at nag tago na.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now