Chapter 4

3.5K 145 0
                                    


Leilina Lucerne Lusitania

“Tandaan mo ang mga bilin ko sa iyo.”  Iyon lamang ang sinabi ni Zenon ng may ngiti sa kaniyang mga labi bago niya ako pinalabas sa kaniyang silid at ipinahatid sa aking sasakyan papunta sa may gitnang bayan.

*Flashback*

Bumukas ang pintuan ng silid at pumasok dito ang isang kawal ni Zenon.

“Ipinapatawag ka na ng Prinsipe sa kaniyang silid.” Sabi nito.

Pagpasok ko sa loob ng silid ni Zenon ay naabutan ko itong prenteng nakaupo sa kaniyang upuan habang may hawak na kopita sa kaniyang kanan kamay.

“Nasulit mo ba ang gabi kasama ang iyong mga magulang?” May ngiti sa labi nitong tanong.

Tinignan ko lamang siya at hindi sumagot kaya sinuklian niya ako ng nagbabantang tingin.

“Naaalala mo naman siguro ang mga pinag-usapan natin kagabi?” Tanong nito.

“Gagawin ko lahat. Huwag mo lang sasaktan sila nanay at tatay. Dahil kapag nagkataon ay ako mismo ang papatay sa iyo.” Nagbabanta ko ring balik sa kaniya.

Napatawa ito ng malakas. Nanliit ako sa sarili ko. Prinsesa ba talaga ako? Bakit wala akong magawa? Nakakaasar, nagagalit ako sa sarili ko.

“Mukhang tumapang ka sa loob ng isang gabi lamang Prinsesa?” Tinitigan ko lamang ulit siya ng blanko.

“Paglabas mo rito sa loob ng silid na ito ay ihahatid ka ng aking mga tauhan malapit lamang sa tarangkahan ng Lusitania.”

Tinanguan ko lamang ang mga sinabi niya.

“At kung maaari ay gamitin mo ang pangalan mong ibinigay sa iyo ng iyong nanay at tatay. Huwag na huwag mong sasabihin sa kanila kung sino ka dahil ang mga tumayo mong magulang ang magbabayad.”

“Ang usapan ay usapan.” Yun lamang ang sinabi ko sa kaniya bago tuluyang lumabas sa kaniyang silid.

Pagkalabas ay hindi ko napigilan ang luhang kanina pa humihingi ng pahintulot na tumulo. Kaya ko ito. Ano ka ba Leilina?! Ipinangako mo sa harap ng mga magulang mo na magpapakatatag ka at hindi na muling iiyak. Ikaw ang mananalo. Pagpapalakas ko sa aking sarili.

“Sakay na po kayo. Maaari po muna kayo magpahinga. Aabutin po ng gabi ang ating paglalakbay dahil hindi tayo pwedeng gumamit ng portal mararamdaman po na may nakapasok na taga-Dark Nemisis.” Sabi ng isang kawal.

Dahil sa sinabi niya ay ipinikit ko ang aking mga mata. Habang nasa biyahe ay bumibigat na ang talukap ng aking mg mata at hindi ko alam kung bakit ko naisip ang malaparaisong yun kung saan nagsimula ang lahat.

______________________________________

“Totoo bang may kapangyarihan akong apoy?” Tanong ko sa sarili sa harapan ng tubig ng talon. Bigla na namang lumabas ang nagsabing isa siya sa aking katauhan.

“Oo, ngunit isa lamang yan sa mga kapangyarihan mo.” Napanganga ako sa sinabi niya. “Ang ibig kong sabihin ay hindi lamang isa kung hindi mayroon pang mga kapangyarihan mo ang maaari mong magamit.”

“Bakit apoy lang ang nararamdaman kong kapangyarihan ko?” Tanong ko.

“Dahil hindi pa ito nagigising at ikaw lang ang may kakayahan na gawin iyon. Alam ko ang pinagagawa sa iyo ng Prinsipe ng Nemesis. Lahat ng bagay na nangyayari sa iyo ay alam ko dahil sabi ko nga iisa tayo. Alam kong nasasaktan ka dahil sa nangyari sa mga totoo mong mga magulang ngunit hindi mo pwedeng ilagay sa panganib ang buong mundo.” Napaluha ako dahil sa sinabi niya.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nahihirapan na ako. Ang nais ko lamang noon ay mabuhay ng tahimik pero bakit ganito na ang mga nagyayari sa buhay ko. Matutulungan mo ba ako?"

“Pasensya na ngunit hindi kita matutulungan dahil ako ay kathang-isip lamang na naninirahan sa loob mo. Hindi mo kailanman matatakasan ang nakatakda para sa iyo. Hindi mo ba naiisip kung nasaan na at kung nangyari sa tunay mong magulang, kung ano na ang nangyayari sa kaharian. Buong mundo ay malalagay sa panganib kapag si Zenon ang nagwagi.” Napa-isip ako.

“Hindi mo ba nakikita ang nangyayari sa kanila?”

“Hindi ko sila nakikita. Ang mga nangyayari lamang sa iyo ang maaari kong makita.” Nalungkot ako sa narinig. Akala ko ay mapapadali ang pagkikita namin ng tunay kong mga magulang.

“Pero hindi ko pwedeng pabayan sila Nanay, sila pa rin ang tumayo kong magulang sa loob ng maraming taon.”

“Alam ko iyon pero dadating ang panahon na kailangan mong mamili.”

Kung dadating man ang panahon na iyon ay natatakot akong pumili. Pero gagawin ko ang lahat upang hindi mailagay sa panangib sila nanay maging ang Lusitania kung saan dapat kapayapaan lang ay mayroon.

“Hindi ba ang sabi mo ay iisa tayo? Pero bakit sa nakikita ko parang may sarili kang pag-iisip na iba sa akin?” Hindi ko napigilang itanong sa kaniya dahil naguguluhan na talaga ako.

“Nandito lamang ako upang gumabay sa isa mo pang katauhan dahil balang araw ay malalaman nila na isa kang Prinsesa ngunit sa pagkakataong iyon ay mawawala rin ako kapag nakabalik ka na sa inyong kaharian bilang Prinsesa ng Lusitania.”

“Pwede mong sanayin ang kapangyarihan mong apoy sa lugar na ito. Tawagin mo lamang ang Diyosa ng Apoy upang mas mapadali ang pagkontrol mo sa iyong kapangyarihan.” Dagdag pa nito.

“Paano ko gagawin iyon?”

“Isipin mo lamang at lilitaw siya sa iyong harapan.” Ginawa ko ang sinabi niya. ‘Diyosa ng Apoy maaari ka bang lumabas at ako’y iyong tulungan upang magsanay’ Sa isip ko ng bigla na lamang may lumitaw na makapal na pulang apoy sa akin harapan.

Pagkawala ng usok ay isang napakagandang babae ang tumbad sa akin. “Prinsesa.” Sabay yuko sa akin.

“Bakit ikaw ang yumuyuko, hindi ba’t ako dapat ang yuyuko dahil isa kang Diyosa.”

“Ngunit sa iyo’y wala ng mas hihigit Prinsesa.” Hah? “Ano nga pala ang iyong pangalan?” Tanong ko sa kaniya.

“Hestia, Mahal na Prinsesa.” Ano ba yan.. Hindi ako masanay sanay sa Prinsesa. Pero alam niya na siguro ang pangalan ko..

“Maaari mo ba akong tulungan na makontrol ang aking kapangyarihan?”

“Hindi mo na kailangan magtanong. Isang karangalan na kayo ay turuan. Magsimula na tayo.” Nagulat ako dahil mukha siyang naging striktong mabait. Huh?

“Ang una mong kailangang matutunan Mahal na Prinsesa ay ang pagkontrol sa iyong emosyon dahil ang paggamit mo sa lahat ng iyong kapangyarihan hindi lamang sa apoy ay konektado sa iyong emosyon.” Matiim lamang akong nakikinig sa kaniya. “Bibigyan kita ng isang pagsubok kung saan mahahasa ang pagkontrol mo sa iyong emosyon. Tandaan, huwag lamang paniwalaan ang nakikita, matuto kang pag-aralan lahat ng bagay.”

Nagulat na lamang ako ng biglang mayroong bumalot sa aking na puting usok. “Magsisimula na ang iyong pagsubok.” Sinubukan kung maglakad baka sakaling makalabas ako ngunit wala akong makitang dadaan dahil sa usok, sinubukan ko pang maghanap ngunit napatigil na lamang ako sa nakita.

______________________________________

Author's Note

Leilina is pronounce as 'Leylina'

Thank you everyone ❤️

Read Well 😘






Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now