Epilogue

4.3K 293 62
                                    

Nagising ako sa isang malaparaisong lugar. Nagsasayawan ang mga bulaklak at mga puno kung nasaan ako ganun din ang mga paru-paru na sumasabay sa pagsayaw ng hangin. Pero sadali-

“Sino ako?” Iyon ang unang pumasok sa isip ko. Inilapit ko ang aking tuhod sa aking katawan at niyakap ito at itinago ang aking mukha sa aking mga braso. Bakit ako nag-iisa?

“Gusto mo bang malaman kung sino ka?” Napataas ang aking ulo at tinignan kung sino ang nagsalita. Isang batang nakasuot ng simple lamang na damit. Wala sa sarili ko ay iniabot ko ang aking kamay sa kamay niyang nakalahad.

Paglapat ng aming mga kamay ay biglang nagliwanag ang lahat. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at natagpuan ko ang aking sarili sa isang madilim na dimension.

“Mali ang mga bagay na alam mo. Mali ang pagkakakilanlan mo sa sarili mo. Mali ang mga sinabi nila sayo.” May biglang lumabas na isang bolang crystal sa aking harapan.

“Bakit mali?” Tanong ko sa sarili. Lumipat ng pwesto ang bolang crystal kaya sinundan ko ito.

“Ang totoo mong pangalan ay Leilina Lucerne Lusitania.” Hindi ko alam kung bakit tumulo ang mga luha ko ng marinig iyon.

“Leilina? Ang pangalan ko ay Leilina.” Marami pa akong narinig tungkol sa sarili kong pagkatao, sa tumayo kong magulang at kung papaano ako inilayo ng totoo kong magulang sa kaguluhan na nangyayari.

Sa pagkakataong ito ay nakita ko kung papaano pinaslang ang mga tumayo kung magulang kaya mas lalo akong napa-iyak. Bakit? Bakit nila kailangang magdusa nang dahil sa akin kung ang ginawa lamang nila ay palakihin, alagaan at mahalin ako?

“Patawarin niyo po ako dahil wala ako sa panahon na kinailangan niyo ako?”

“Hindi mo kasalanan kung bakit mayroong masasama sa ating mundo.” Muling nagsalita ang tinig ng bata sa aking isipan.

“Nasaan ka na? Magpakita ka?” Inilibot ko ang aking tingin ngunit wala ito sa paligid.

“Magpapakita lamang ako ulit kapag nagawa mong patawarin ang sarili mo. Alam ko hanggang ngayon ay nakatanim pa rin sa puso’t isipan mo ang pagsisisi ngunit kailangan mong maliwanagan na natanggap na ito ng mga mahal mo sa buhay kaya panahon na rin para ito ay tanggapin mo at palayain ang iyong sarili.”

“Palayain ang aking sarili?”

“Oo, ikaw ay nakakulong ngayon dahil sa iyong sariling kagagawan at kagustuhan. Nasa isip mo noong tinalo mo ang kasamaan ay hindi mo na hahayaan ang sarili mo na saktan ang mga mahal mo sa buhay pero hindi mo alam na mayroong tutulong saiyo upang palayain ang sarili mo ngunit mas pinili mo pa ring ikulong ang sarili mo. Dahil ang nasa isip mo ay kasalanan mo ang lahat.”

“Mayroong tutulong sa akin? Sino? Bakit hindi ko siya maalala?” Sino? Sino? Ano ang papel niya sa buhay ko? Sino? Sino?

“Nasa saiyo kung gusto mo siyang maalala. Isa lamang ang masasabi ko saiyo, madaliin mong alalahanin siya at patawarin ang iyong sarili. Alam kong hinihintay ka niya ngunit kailangan mong magmadali bago pa man mahuli ang lahat.”

“Gusto ko siyang maalala.” Yun lamang ang lumabas sa aking bibig.

“Tama ang desisyon mo ngunit hindi magiging madali ang lahat.”

“Ano ang ibig mong sabihin?” Tanong ko rito.

“Ibabalik kita kung saan mo siya makikita ngunit sa isang kondisyon.”

“Anong kondisyon?”

“Ibabalik kita ngunit sa ibang pagkatao. Ikaw ay makakalaya lamang sa oras na makilala ka niya na ikaw ang taong minamahal niya. Siya ang magpapalaya sayo.”

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now