Chapter 11

164 7 0
                                    

Keila's POV
Nagising ako dahil sa tawanan na naririnig ko sa baba dumeretso muna ako sa banyo para magtoothbrush at maghilamos.

Kanina pa sumasakit yung ulo ko at sunod sunod din ang memories na naaalala ko pero hindi malinaw ang mga yun.

Paanong boyfriend ko siya noon tapos nagapply ako sakanya at hindi ko siya kilala?

I just sighed and shrugged it off I'm just gonna ask Hubby about it. Napangiti na lang ako dahil napapadalas ang tawag ko sakanya ng Hubby.

Naglakad na ako papalabas ng kwarto at rinig na rinig ko ang boses ng nagiisang makulit na anak namin ni Caleb.

"Come on Meg I'll show you to my room there's even more toys there.." Sabi nito ng makasalubong ko siya at ang isang cute na batang babae.

"Mommy! you're awake Megand that's my Mom you're Tita Kei.." Sabi ni Cyryx kay Megan habang inaalalayan itong maglakad.

"Hi Megan welcome to our house nice to meet you.." Nakangiting bati ko and lowered my level to them.

"Hi po Tita Kei.." Cute na sabi niya at lalo akong napangiti she's so cute..

"Sige po Mommy magplay lang muna kami ni Megan sa room ko.." Sabi niya at naglakad na sila ni Megan patungo sa room niya.

He would be a great big brother to his siblings for sure.

"Take care of Meg, Cy and be careful while playing.." Paalala ko sakanya at nag thumbs up naman ito.

Nakangiti naman akong naglakad na patungo sa kitchen. Nahihilo talaga ako damn it.

Kumuha ako ng baso at sinalinan iyon ng tubig at uminom.

"A-ate.." Lumingon ako at nakita si Yesha na naluluha.

"Yesha.." Mahinang sambit ko at naiyak na siya.

"Naaalala mo ako?" Umiiyak na tanong niya at yinakap ako at niyakap ko din siya.

"Medyo pero hindi lahat.." Sabi ko sakanya at mas yinakap niya lang ako ng mahigpit at umiyak..

Bumitaw ako sa yakap niya at pinunasan ang luha niya.

"Huwag ka na umiyak maaalala ko din kayo ng buo.." Nakangiting sabi ko sakanya at ginulo ang buhok niya.

"I love you ate.." Sabi niya at nginitian ko siya at hinila na patungo sa living room.

Hindi ko masagot dahil ayaw kong umasa siya na maaalala ko lahat. Nakakatakot dahil baka mamaya hindi ko na sila tuluyang maalala masasaktan ko sila.

"Wifey, Yesha.." Sabi ni Caleba at nginitian ko siya at naupo sa tabi niya.

At naupo naman si Yesha sa tabi nila Viernex at ang sa tingin ko ay Mommy ni Caleb.

"A-anak?" Rinig kong parehas na sabi ng mga magulang ko.

Magulang ko...

"M-mammu Dadudes.." Nakangiting sabi ko at nagpunta sakanila at niyakap sila..

Naaalala pa rin sila ng puso ko ramdam kong masaya ako at nangungulila ako sakanila.

"Miss na miss ka namin anak sobrang nagulila kami sayo.." Umiiyak na sabi ni Mammu at yinakap ako ng mahigpit at ramdam kong tutulo na din ang luha ko.

"Ate!" Sigaw ni Viernex na umiiyak na kasama si Yesha at James atsaka nakisama sa pagyakap sakin.

Tuluyan na akong naluha sila ang pamilya ko. Pamilyang pinagkait sakin ni Oqueño. Makakabawi din ako.

In His Arms Again (On-Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora