Kabanata 24.0: Lalake! Lalake!

Start from the beginning
                                    

"I knew it! He's gay! His shoelaces were pink! Hihihi," sabi naman ni Angry habang tinuturo ako. Si Heaven dapat ang tinuturo n'ya pero dahil may deffect sa vision si Angry ay ako ang naituro n'ya.

"Hehehehe. Let's keep it as a secret Angry, okay?" natatawang tugon ni Heaven kay Angry. Tinignan n'ya ako tapos agad naman akong umiwas ng tingin. Hiyang-hiya talaga ako e. Isa pang banat galing sa pamilya ko, maglalaslas na talaga ako ng pinky finger! Totoo yan! Walang halong biro!

"Maaang! Paaang! Relax lang po! Huwag naman pong OA oh? Parang ngayon lang nakakita ng bakla e!" tugon ko kay Mamang at Papang na may halong pagdadabog. Napaubo naman si Papang ng sabihin ko iyon, lalo na 'yong sabihin ko ang salitang 'bakla'.

"Okay ka lang? Sige, kain ka lang. Huwag kang mahiya okay?" bulong ko kay Heaven tapos tumango naman siya at nginitian lang ako. Napahinga naman ako ng malalim. Ang cute niya talaga!

At oo, nasa harap kami ng hapagkainan ngayon, salo-salong kumakain ng hapunan kasama si Heaven. At sobrang nahihiya talaga ako sa kanya ngayon, ni hindi ko magawang ipatong ang paa ko sa upuan o di kaya'y kamayin ang pagkain. E pa'no ba naman kasi? Sobrang napahiya ako sa kanya sa ginawa ng Mamang at Papang kanina. Napagkamalan ba kaming gumagawa ng milagro? Ang totoo kasi n'yan e, sinusukat lang ni Heaven sakin 'yong tinatago-tago n'yang hikaw sa bag n'ya na hindi n'ya masuot-suot kasi pambabae 'yong design kaya ayun, ti-nry n'yang ipasuot sa'kin, pero itong Mamang at Papang ko, sumobra sa pagka-OA. Nasira pa 'yong pinto!

Pinapasok ko kasi si Heaven sa bahay namin sa kadahilang nabasa 'yong suot n'ya nang maihian siya ni Angry sa damit, nakonsenysa naman ako kaya pinatuloy ko siya para makapagbihis. At malay ko bang dadating ang Mamang at Papang ng bigla-biglaan na parang mga baliw at takas sa mental na nakahithit ng violet na usok ng katol?

"Uhmm, iho? Sigurado ka ba talagang bakla ka? Baka natatae ka lang o ano?" tanong ni Mamang kay Heaven. Napayukmo naman ako ng tuluyan sa mesa nang makita kong mandiri si Heaven ng kaonti sa sinabi ng Mamang! Pambihirang buhay nga naman oh! Nasa hapag kami, tae ang pinaguusapan!

"Wifey! Ano ba! Kumakain tayo oh? Tae ka ng tae e!" sita ni papa tapos nagsalita ulit, "By the way, binata, sigurado ka bang bakla ka? Baka naman natatae ka lang o ano? Anak ng aray! Ano ba wifey!" Napahawak naman si Papang sa batok nang batukan siya ni Mamang.

"Eh, inulit mo lang sinabi ko honey eh!" Pssh! Kainis talaga 'tong dalawang 'to e.

Nakita ko namang tumawa si Heaven nang makita n'ya ang ginawa ng Mamang sa Papang. Sa ginawa n'yang iyon ay medyo nawala ang hiyang naramdaman ko. Pakiramdam ko kasi, mukhang naging komportable na siya sa mga magulang ko.

"Uhm, opo! Bakla po talaga ako. Actually, I find it out when I was in grade school. Then boom, I just caught my self often staring at the magazines na merong mga lalaking naka-brief lang. Naglalaway po 'pag nakakakita ako ng ganun. Then there, I concluded na I'm gay. And also, my mother was eating a lot of chicken wings when I'm still in his tummy, tapos nagkaroon ng chromosomal abnormalities sa chromosome ko kaya, eto, naging stariray ako!" sabi ni Heaven with all the hand gestures and waving of hair. Natawa naman ako bigla.

"Talaga?" Medyo gulat at hindi makapaniwala na tugon ni Mamang sabay tingin sa'kin tapos pinandilatan ako. Alam n'ya kasing hangang-hanga ako sa baklang 'to kaya medyo pinandilatan n'ya ako.

"Opo eh. Uhm, Tita? Tito? Can we make it as a secret?" tanong ni Heaven habang maarteng hawak-hawak ang tinidor sa ere. Langya, tumi-Tita na sa mamang ko. Tumango naman si Mamang at Papang.

"Nakakatuwa naman!" medyo nanghihinayang na tugon ni Mamang. Haaay, mang! Bakla po talaga 'yan kaya 'wag na kayong manghinayang.

"Honey! Tignan mo itong si Heaven oh, parang repleksyon mo lang nung kabataan mo, mahilig ka rin sa magazine na may mga brief models 'di ba?" tanong naman ni Mamang sabay pulupot ng kamay n'ya sa kamay ng Papang. Ang sweet!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now