Kabanata 24.0: Lalake! Lalake!

20.8K 642 138
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 24.0: Lalake! Lalake!
Written by: JoeyJMakathangIsip

FEAR
"May ipapakita ako sayo," Heaven said as he went near to me.

"Ano?" tanong ko na may halong kyuryusidad.

"Eto oh."

"Wow! Anlaki naman n'yan! Kasya ba 'yan sa butas ko?"

"Oo naman, medyo masakit nga lang kung ipapasok ng bigla-biglaan. Gusto mo i-try?"

"Sige, subukan natin."

"Ayan, ipapasok ko na."

"Ouch! Ohhh! Ansakit nga! Dahan dahanin mo naman! Alam mo namang maliit lang 'tong butas ko e."

"Sige, dadahandahanin ko."

"Oh, Heaven! Oh! My gosh Heaven! Hindi ko alam kung kaya ko ba 'to! Oh Heaven! Dahan-dahanin mo!"

"Shh, tahimik ka lang."

"Okay pero masakit. Ang sakit talaga Heaven! Oh shems, Heaven! Ang sakit!"

"Malapit na Fear, ohh Fear! Malapit na!"

"Heaven! Jusko! Ang hapdi na!"

"Sorry Fear, makali talaga 'to!"

"Heaven!"

   <*BOOGSH!*>

Biglang bumukas ang pinto ng pagkalakas-lakas. Agad namang sumalubong sa paningin ko si Papang na galit na galit at si Mamang na parang naiiyak na. Pumunta si Mamang sa harapan ni Papang, lumuhod, sinabunutan ang sariling buhok at nagsimula na sa paglilitanya.

"Jusko, Fear! Anong ginawa mo sa sarili mo? Anak! Ba't mo ginawa 'to! Jusko! Sinayang mo ang kabataan mo!" naiiyak na sabi ni Mamang sabay supalpal ng bibig sabay sabunot ulit sa buhok. Nagulat ako sa ginawa ni Mamang, nabato ako at 'di na nakapagsalita.

"Pinapag-aral ka namin ng maayos ng Mamang mo pero ito lang ang isinukli mo? Fear! Ano bang pumasok sa utak mo! Jusko! Ito na nga bang sinasabi ko!" sabi naman ni Papang sabay talon, sabay suntok ng makailang beses sa sahig, sabay split. Jusko paaaang! Ano bang ginagawa mo? Huhuhu.

Napatingin naman ako kay Heaven, gulat na gulat siya sa nangyari at ganun na rin ako.

"Fear! Ano bang pumasok sa utak mo at--" napahinto bigla si Papang sa pagsasalita nang mapagtanto n'ya kung ano totoong ginagawa ni Heaven sa'kin.

"A-anong ginagawa mo sa anak ko?" pudpud gilagid na tanong ni Papang kay Heaven. Napalunok naman si Heaven ng laway at agad na nagsasalita.

"Si-sinu-sinukat ko po 'yong silver earings ko kay Fear," utal na sagot ni Heaven sa Papang ko habang hawak-hawak ang isang silver na hikaw. Sobrang nagulat ako sa inakto ng Mamang at Papang na naging dahilan upang 'di ako makapagsalita. Ba't ganyan 'yong reaksyon nila? Ano ba sa akala nila 'yong ginagawa namin? Nakakahiya!

"B-bat me-merong kang silver earings? Ba-ba't meron ka niyan?" tanong naman ni Mamang habang turo-turo ang pagmumukha ni Heaven sabay supalpal sa bibig. Agad namang nagsalita si Heaven at tahasang sinabi ang mga katagang...

"Ba-ba-bakla po ako."

   <*NGANGA!*>

*   *   *
"Bakla ka!?" sabay na naisigaw ng Mamang at Papang sa harap ng hapagkainan nang inanunsyo ni Heaven na bakla siya. Sa pagsigaw ng Mamang at Papang ay nagsilaparan ang lahat ng kanin mula sa bunganga nila na tamang-tama namang lumading sa mukha namin ni Heaven. Nice!

"Opo eh. Hehehe," natatawang tugon ni Heaven habang isa-isang tinatanggal ang mga kanin na lumanding sa mukha n'ya. Tinignan n'ya ako at  nginitian, mukha namang 'di siya sa apektado sa mga nangyayari. Samantalang ako, eto, durog na durog na ang mukha dahil sa naramdaman kong hiya para sa mga magulang ko. Grabe 'to! Hindi ko na kaya 'to!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now