Chapter 3

112 5 0
                                    


After what happened in the park, dumiretso na kami sa bahay. Aksidenteng natamaan ng bola ang noo niya. At hindi na namin inalam kung sino ang nakatama dito. Nakatulog na si Shine pero may bukol sya sa bandang kaliwa ng forehead niya. May cold compress na din na nakadampi sa noo. Sleep tight lil sister.

"Ma, ako ray bantay niya," I insisted habang naka upo ako sa kama ng kapatid ko. Kahit naman hindi kami nagkakasundo love ko naman ito. yie

"O sige, maghahanda nalang ako ng lunch natin."

"Sige Ma."

Umalis na si mama dito sa kwarto kaya kinuha ko muna ang cellphone na nasa lamesa at nag online.

No message from Axe? Baka busy pa. Pero ang boses kanina sa park. I'm sure it's him. If sya yun, it means he lives nearby. Why am I having this concept? Baka coincidence lang yun Guil. Coincidence lang... coincidence...

"Ah Guil," Rinig kong sabi ni Shine. Napatingin ako sa kanya. Kinuha ko sa forehead niya ang cold compress na nakadampi dito.

"Yes?"

"Ah wala... wala, balik nalang ako sa pag-tulog. Masakit pa." Pikit-matang sabi niya.

"Ah sige. Tulog well." Bumait kapatid ko ah. Sana ganito ka nalang palagi noh? Para hindi umiinit dugo ko sayo.

It's already evening. Naging madali ang araw na ito. Walang masyadong ginawa. Binantayan ko lang ang kapatid ko. Tapos na din kami mag dinner. Wala ding assignments at projects sa school, February na kasi malapit na ang moving up. Malapit na din matapos ang mga requirements namin.

Nasa sala kami ngayon habang nanonood ng tv sina Mama at Papa samantalang ako nagcecellphone.

Scroll. Scroll. Scroll. Ang boring. Nag scroll lang ako ng scoll when a post caught my attention. History of RPW. Pinost ito ng isang rpier. Mabasa nga since hindi ko pa talaga alam kung ano ang history nito.

[History of RPW]
- nagsimula ang rpw around 2008.
- Michelle Perez and David Ejarez ang kauna-unahang rp'er sa Pilipinas.
- then comes the year 2009, doon na nagsimulang magkaroon ng kpop port like t-ara, 2ne1, highlight, shinee, secret at iba pa.
- here comes the interesting part, naisipan nila Michelle and David na baguhin ang sistema ng RPW, umalis sila sa JRG (Japan Roleplay Group) then nagtayo ng sariling RPW here in the Philippines.
- dahil doon, naisalang na ang mga work na tinatawag na; IC, OC and more. Partida, wala pang SC noon.
- ang RPW dati ay walang away, sunusuportahan ang bawat isa, hindi uhaw sa rs at walang inaamag doon. (Sana nga lang maibalik na yung dating RPW eh)
- 2013 noong tumunog ang industriya ng porn sa Japan, which is tinatawag na hentai, dahil doon, parang tinatangkilik nito na panoorin ang lahat at doon nagsimula ang SC
(S*x Chat) na nagpagulo sa RPW. (Tsk tsk. Ito na yung ka toxican)
- October 8, 2013 nabuhay si Uno Freniere. Patuloy pa ring namayani ang kadumihan ng RPW. N sya ng OPW dati kung saan pwedeng ikalat ang pictures ng OP mo.
- nagkaroon na ng pagtatraydor, pag-aaway at gulo, dahil doon patagong umalis ng RPW si Michelle at David hanggang sa kasalukuyan.
- wala pang semi RP/RA ang napasok noon dito, pero ngayon marami na.
- yung port nila Michelle and David is anime, as in anime talaga.
- Michelle and David is legit Otaku. they're BOTH member of Japan Roleplaying Group.
- byuntae na Hyuna Yehet - ang ghost rp'er daw kuno.
- isang sikat na fam noon dito.
- Erin Dauntless, sumikat sya dahil sa mga kumalat na nudes. Shout out sa mga nakakaalala at naabutan pa sya.
- Jail Party - marami daw nakulong na mga rp'ers noon dahil sa inaakalang poser.
- Dear Charo/Chariot - ito ang main group ng mga RP'er and until now, this is still existing.
- then comes 2015, sumikat ang RPW noon kaya marami nang pumasok sa mundong ito. Sumikat rin noon ang mga Ulzzang.
- Kelvin Beethoven x Krizel Rivas maraming nagsi-ship sa kanilang dalawa.
- mga sikat pa noon na surname, "Oppxr, Noonxr, Spazzue."
- Tornado Rivas, a legendary RP'er or Joshua Alonte.
- sikat dati ang Corporation like; Girlzcorp & Boyzcorp.
- GD RP'er na namatay daw pero buhay naman.
- Krystal RP'er na nagfifinger sa PV.
- How to break with your RS?
Old RP'ers: SORRY BABE MAY CANCER AKO. STAGE THREE. KAILANGAN AKONG OPERAHAN SA IBANG BANSA.

"Piste man gagay HAHAHAHA!"

"Guil?" Sabi ni Mama

Napatingin ako kina mama at papa na kasalukuyang nakatingin sa'kin. What did I just say?
.
.
.
.
.

Oh fudge. Bawal pala mag mura.

Author's Note: I searched the history of the rpw from Facebook. Kaya kinopy paste ko lang ho ito since hindi ko naman alam ang history talaga ng rpw. I found this post sa isang group which is rpw cherries or cherry yata so thanks.❤

Meeting You In RPW Where stories live. Discover now