Naikuyom ko ang aking kamao. "Hindi po ako iiwan ni Kenzo, hindi niya ako sasaktan" paninigurado ko sa kanya.

Natawa siya at napailing iling. Nagulat na lamang ako ng kaagad na lumipad ang kamay niya sa aking pisngi. "Sige Sera, magmatigas ka pa. Sa huli, pamilya mo pa din ang tanggap sayo. Walang iba!" madiing sabi niya sa akin na nagawa pang iduro ang aking sintido.

Buong magdamag akong umiyak. Hindi ko kinaya ang nalaman ko. Gusto kong tumakbo, gusto kong magtanong pa. Pero hindi na ako sinagot pa ni Daddy. Hinayaan niya akong patuloy na naguguluhan sa aking pagkatao. Basta ang alam ko lang, hindi ko sila kadugo. Hindi nila ako pamilya at malaki ang utang na loob ko sa kanila.

Bumalik ako ng Manila kinaumagahan. Mas gusto kong magisa sa dorm kesa nanduon ako sa bahay. Sa tuwing nakikita ko sina Daddy at Mommy ay pakiramdam ko ibang tao ako, halos makalimutan kong anak nila ako. Itinuring nila akong anak kahit hindi naman.

"May problema ba? Anong nangyari sa paguwi mo?" nagaalalang tanong ni Abby sa akin, lunes ng umaga at wala akong ibang nagawa kundi ang ipagpatuloy ang aking buhay.

Kung hindi daw dahil kay Daddy, wala na ako dito ngayon. Sana ay pinabayaan na lang nila ako, sana ay hindi na nga lang talaga ako nabuhay.

Tipid ko siyang nginitian. Wala pa akong lakas na ikwento sa kanya. Pinagkakatiwalaan ko si Abby, siya ang pinakamatalik kong kaibigan pero hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang totoo tungkol sa aking pagkatao. Takot akong mawala siya sa akin, takot akong iwanan.

"Ayos lang ako, medyo masakit lang ang ulo ko"

Tumango na lamang siya bago siya bumaling sa may pintuan. Kaagad niya akong siniko, nakita ko kaagad ang nakatayong si Kenzo. Nakatingin sa akin at naghihintay na lapitan ko.

Bayolente akong napalunok. Biglang may kung anong humaplos sa puso ko. I feel safe with his presence. Pakiramdam ko hindi ako kailanman mawawalan sa tuwing nandyan siya. Pakiramdam ko kumpleto ako sa tuwing nakikita ko si Kenzo, sa tuwing kasama ko siya.

Hindi na ako nagdalawang isip pang lumabas ng room. Kaagad ko siyang niyakap ng makalapit ako sa kanya.

"I miss you..." emosyonal na sabi ko. Mas lalong humigpit ang yakap ko ss kanya na para bang ang tagal naming hindi nagkita gayong dalawang araw lang naman iyon.

Nangilid ang luha sa aking mga mata ng maramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking buhok. "I miss you too, may problema ba?" malambing na tanong niya sa akin.

Halos malukot ang likod ng uniform niya dahil sa pagkakakapit ko. Marahas akong umiling kasabay ng pagtulo ng aking luha. "Namiss lang talaga kita" palusot ko at pumiyok pa.

Kaagad siyang humiwalay sa akin para harapin ako ng maayos. Kitang kita ko ang pagaalala sa kanyang mukha habang marahan niyang pinupunasan ang luha sa aking pisngi. "Baby, anong problema?" marahang tanong niya sa akin.

Nakipagtitigan ako sa kanya. Kinain ako ng takot at lungkot. Mahal na mahal ko siya, hindi ko siya kayang bitawan. Ayoko siyang iwanan.

Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko. "Ikaw ang palagi kong pipiliin, Kenzo. Pangako!" paninigurado ko sa kanya. Kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.

Hinalikan niya ang aking noo. "Ikaw lang din, Sera. Ikaw lang din ang pipiliin ko" marahang paninigurado niya sa akin. Duon, naramdaman ko ang ginhawa. Nakahinga ako ng maluwag, ipaglalaban ko si Kenzo.

Pinilit kong maging normal sa buong araw. Kinalimutan ko lahat ng nalaman ko sa bulacan. Ako pa din si Seraphine Serrano, kailangan kong magpatuloy sa buhay.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now