Pareho kaming natahimik ni light ng magsimula ng maglakad si kuya palapit sa amin, nakaramdam ako ng takot dahil sa galit na itsura ni kuya, and I know its not all about me and light its all about something else. Nilagay ni kuya ang saklay sa ibabaw ng kama at seryoso akong tiningnan.

"Anong oras kang uuwi mamaya?"

Napalunok ako. "Malalate ako, kuya. May mga na-miss akong test eh."

Humugot ng malalim na hininga si kuya at tumango. "Ako ang magsusundo sayo mamaya, just call me."

"Ok ka lang ba kuya?" Tanong ni light, palihim kong tiningnan si light dahil yun din sana ang sasabihin ko.

"Im not.. fuck!" Nagulat kami ni light ng bigla nalang niyang sinipa ang plastik na upuang nasa gilid niya. "That Pitter is getting into my nerves, kulang nalang talaga ng isa pang kagaguhan at mapapatay ko na sya."

"Selos.." halos sabay naming sambit ni light na agad din naming pinagsisihan.

"Selos?! Ako?! Hindi ako nagseselos?! Fuck, Im gonna kill that Pitter!"

Nagkatinginan kami ni light at halos sabay kaming napatakip sa bibig para pigilan ang pagtawa, kuya is so crazy over mes, dapat talaga syang kabahan, mukha kasing lahat gagawin ni kuya para makuha siya eh, and that kind of love is what i desire. Sana may taong handang gawin ang lahat para makuha lang ako, para mapanatili ako sa buhay niya, para maging sa kaniya ako, but I know I should stop believing that there will be someone out there who'll accept and love me for who I am, sino ba naman kasing tao ang gugustuhing mahalin ang isang babaeng tulad ko? Anak ng isang leader ng sindikato, mamamatay tao pa ako.

Binilhan ako ni kuya ng pang-lunch at sinabihan ang nurse na wag akong palabasin hanggat hindi ko pa kaya, kaya naman buong maghapon akong nasa clinic, I decided to call ma'am rhea para ipahatid nalang dito sa clinic lahat ng hindi ko natake na exam ngayong araw at para bukas para makapagpahinga narin ako buonv araw bukas, i think i really can't attend class tomorrow kaya tatapusin ko na ang lahat ngayon.

"Miss Ashley, lalabas lang ako saglit para kausapin ang principal, ah?" Saad ng nurse na nagbabantay sa akin at ang nagasikaso sa namamaga kong nga paa.

"Yeah, go ahead." Sabi ko habang bored na nakatingin sa ceiling.

"Wag kang lalabas ah? Ako papagalitan ng kuya mo at baka mapaalis pa ako eh."

"Trust me, hindi ako tumatakas at lalong hindi ko nilalagay sa alanganin ang ibang tao." Sabi ko at ipinikit ang nga mata ko.

"Sige, alis naku."

Ng marinig ko ang papalayong yapak niya ay saka ko inayos ang pagkakaupo ko, inabot ko ang cellphone ko para matingnan ang oras, its already four, maya-maya pay magsisiuwian na rin ang lahat, makakaya ko kayang tapusin lahat?

Napabuntong hininga ako at ibinaba na ang hawak kong cellphone sa mesang nasa gilid ko. Itinaas ko ang mga kamay ko sa ere at napatingin ako sa magkabilang pulsuhan  ko. I used to wear watch, pero ang pagsusuot ko ng relo ang tinanggal ko sa sistema ko. Kapag kasi may suot akong relo ay lagi akong nagrerelax sa isiping matagal pa ang oras, everything changed when that day comes... that day when i realized I should not be relaxed, that if I think Time is not chasing me, I should chase Time instead. Kaya ngayon ay lagi nalang akong nagmamadali kaso nga lang kahit gaano pa ako kabilis tumakbo nalalate parin ako.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dito, agad na nagwala ang puso ko ng makita si kuya Rogue na may hawak na mga papel habang bakas sa mukha ang pag-aalala ng pasadahan niya ako ng tingin.

"Ma'am Rhea told me to bring these to you." Saad niya habang naglalakad palapit sa akin.

Ibinaba ko ang mukha ko at tanging mga sapatos niya lang ang tiningnan. "Ilagay mo lang dyan sa mesa, salamat."

Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now