Narinig kong bumuntong hininga si ma'am at sa tingin koy napatingin ito sa akin. "Beauty." Tiningnan ko sya. "Ok lang ba sayong mamayang uwian ka na mag-take ng exam sa na-miss mong subject? Kailangan na kasi ng kabila, nakulangan tayo sa bond paper, eh."

Marahan akong tumango. "I dont mind." I mind! May training pa ako! The earlier I start the earlier I finish, pero ngayon ay mukhang hanggang madaling araw ako sa warehouse!

Gusto kong umangal pero para saan pa? Besides its my fault, ako ang hindi nakaabot kaya dapat ako ang maghintay. Damn that was cheesy.

"Oh, sya, salamat rogue, goodluck sa exam, sana maperfect mo ulit ang exam ko, lalo pat alam kong inspired ka na." Pampalakas loob ni ma'am.

May munting tawa ang kumawala sa mga labi ni rogue, and it makes everyone look at him with adoration, ang ganda kasing pakinggan ng tawa niya. But then ako lang yata ang hindi nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Sana nga po, ma'am."

Hinintay kong marinig ang papalayong yapak niya pero ilang segundo pa ang lumipas ay wala akong narinig, at dahil sa pagtataka ay nag-angat ako ng tingin, at saka ko napagtantong sana pala ay nanatili akong nakayuko. He is looking at me and when our eyes met, he smiled at me sweetly.

"Goodluck, beauty."

Bahagyang napaawang ang mga labi ko at Nakatanga lang akong nakatingin sa kaniya, para akong naputalan ng dila at hindi makipagsalita dahil sa pagkabigla, I never expected him to say those words. At kung gaano ako kabigla ay ganoon din ang mga kaklase ko habang si maam Rhea naman ay may nanunudyong ngiti sa labi.

Mas lumawak pa ang ngiti ni Kuya Rogue ng makita niya ang reaksyon ko, he then face Ma'am Rhea.

"Mauuna na po ako, ma'am. "

Ma'am Rhea and Kuya Rogue shared a knowing look, na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila, Kuya rogue just chuckled and look at me once more before leaving.

"Ok, class let's get started."

"Why is kuya Rogue like that?"

"Sila ba ni beauty?"

"Nakakainggit.."

"Sabagay maganda naman si beauty, di malabong di magkainteres si kuya Rogue sa kaniya.."

"Pero sayang"

"Class enough!" Pag-saway ni ma'am sa mga nagchichismisan kong mga kaklase. Saglit pa niya akong tiningnan na may pag-aalala sa mga mata. "Pass the test papers now, ang unang makatapos ay ang unang maka-recess."

Alam kong gusto pang mag-usap ng mga kaklase ko dahil naiintriga sila, ramdam ko ring gusto nila akong lapitan at tanungin pero natatakot lang sila. Kung may mag lakas loob mang tanungin ako? Pati ako ay tatanungin din sila pabalik dahil di ko alam ang sagot.

Mas mabuti pa ang math na tu dahil alam ko kung paano kunin ang sagot samantalang ang ginawa kanina ni kuya rogue ay kwestyonable. Oo ngat, medyo magkaibigan kami dahil sa nagkakasabay kami tuwing lunch, pero para sa akin ay big deal ang ginawa niya kanina, lalo pat ako lang talaga ang sinabihan niya ng goodluck, eh pwede naman kaming lahat, hindi ba?

Nauna akong natapos sa lahat, nagpapasalamat ako at mukhang sobrang seryoso ang lahat sa pagsagot, lumabas ako ng room na pa-ika-ika na, hindi ko alam kung bakit bigla nalang naging mahirap para sa akin ang maglakad, ok pa naman ang mga paa ko kanina pero ngayon ay parang wala ng  lakas ang mga benti ko.

"Damn." Mura ko ng muntik na akong matumba, pero may malalakas na braso ang himigit sa aking siko kaya di ako natuluyan.

"Sabi ng wag kanang pumasok eh.."

Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now