Chapter 14

188K 8.4K 6.1K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.


#IrrefutablyYours Chapter 14

"Ano 'yung pinag-uusapan niyo kanina?" Marcus asked.

"Chismoso ka na rin?"

"Nakaka-curious lang. Ang seryoso ng mukha mo kanina," he replied while cutting the apple tapos ay inilalagay niya sa platito.

"Wala nga."

"Wala raw..."

Umabot ako ng isang piraso ng apple at saka kinain iyon. I looked at the TV and focused my eyes on that. "Alam mo namang 'di fan si Mommy ng pagbabahay-bahayan natin," I casually said kahit sa totoo lang, ayoko talagang pag-usapan namin 'to. Kahit naman nanay ni Marcus 'di din fan. Wala lang silang magawa. Matanda naman na kaming dalawa saka wala naman kaming sinasaktan! Grabe naman! Nananahimik kaming dalawa dito at nagnenetflix lang!

Natawa siya. "Bahay-bahayan talaga, Niles?"

I shrugged. "Yun tawag ni Mommy, e."

"Yun lang pinag-usapan niyo?"

"Hmm..."

"Ano pa?"

"Basta."

"Gusto pang magpa-pilit?"

Umirap ako. "Fine. Sabi ni Mommy, 'di niya na tayo papakailamanan basta kung mabuntis daw ako, kakaladkarin niya tayong dalawa sa munisipyo para magpakasal."

Halos mapisa na iyong apple sa diin ng pagkaka-hawak ko. Hindi ko maialis iyong mga mata ko sa screen ng TV, pero at the same time, pinapakiramdaman ko iyong magiging reaksyon ni Marcus.

"Grabe," sabi niya lang na natawa.

Napa-kunot ang noo ko sa reaksyon niya. "Yun na 'yun?" I asked.

Kumunot din ang noo niya. "Ha?"

"Wala kang... violent reaction?"

"Bakit naman ako magkaka-violent reaction?"

But I remained silent.

Kumuha na lang ako ng apple at sinumpak nang sinumpak sa bibig ko. Kunut-noong naka-tingin sa akin si Marcus habang pinu-puno ko ng apple slices iyong bibig ko.

"Bakit ako magkaka-violent reaction, Niles?" he asked. I shrugged. 'Di rin naman ako makapagsalita dahil puno ng apple iyong bibig ko! "Kung magkaka-baby man tayo—" sabi niya at saka natigilan dahil bigla akong nabulunan. Mabilis siyang tumayo at kumuha ng tubig. Medyo kunot ang noo niya akong pina-nood habang inuubos ko iyong tubig.

"Thanks," I said matapos kong maubos iyong tubig.

"As I've said, kung magkaka-baby man tayo," he said and I didn't need to see my face to know na pulang-pula na ako! Maka-baby naman 'to! Nakaka-loka! "Ba't namumula ka, Niles?" he asked.

"Ha? 'Di, ah..." pagdedeny ko. Inabot ko na lang iyong throw pillow at saka niyakap.

"Ayan, oh, pati tenga mo—" he said and I immediately pulled my hair to cover my ears. Narinig ko ang paghalakhak niya. "Ano? Nahihiya ka na rin pag-usapan iyong baby?"

"Ano'ng baby ba kasi! 'Di naman ako buntis!"

"Sure ka?"

"Sure ako!"

Medyo kumunot ang noo niya. "Paano ka naging sure?"

I pursed my lips and remained silent.

"Niles," he called my name.

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon