Chapter 02

219K 9.6K 5K
                                    

#IrrefutablyYours Chapter 02

Just my freaking luck!

At talaga namang sa lahat ng lugar sa Pilipinas at sa petsa sa kalendaryo, talagang pareho pa kami ng napili!

Para siguro akong bata na naka-kunot ang noo at naka-cross arms habang nagpapaliwanag iyong tour guide sa amin. Bakit ba? Masama ang loob ko! Tagal-tagal kong inimagine kung ano ang itsura ng naka-talo sa akin sa boards tapos...

Ang gwapo.

Unfair.

Matalino na, gwapo pa.

Ano ba namang buhay 'to.

"May tanong po ba kayo, Ma'am?" the guide asked.

Mabilis akong umiling. "No po."

"Tara na po sa tutulugan niyo," he said and my forehead creased a little dahil sa pananalita niya, para bang ibig sabihin niya na same kami nitong si T1 ng pagse-stay-an.

"Wait po," I said. "Kaming dalawa..." sabi ko habang tinuturo kaming dalawa ni T1. "Sa... parehong lugar magse-stay?"

The guide nodded. "Yes po. Pero separate room naman po. May problem po ba?"

Bago pa man ako maka-sagot ay napa-tingin ako kay T1. His brow was slightly arched na para bang amused siya sa akin. Kapal ng mukha! Palibasa alam niya siguro na gwapo at matalino siya.

I scoffed.

Daming gwapong doctor, uy! 'Wag masyadong feeling!

"Nothing," I just said.

Tahimik ako habang papunta kami sa lodge kung saan ako magse-stay. 'Di bale, ilang araw lang naman 'to. I just needed to ignore T1. Pagkatapos nito, balik Manila at balik trabaho na ako. Magkaiba naman kami ng hospital. Malaki naman ang possibility na hindi na kami magtagpo ever.

Pagdating namin sa lodge, nagkulong agad ako sa kwarto. Gusto ko sanang matulog na dahil sabi ay maaga ang start ng tour bukas... kaya lang ay na-bore agad ako sa kwarto... At saka gutom na ako.

Pagbaba ko, naghanap ako ng makakain kaya lang ay wala na iyong babae kanina. I saw T1 minding his own business habang kumakain. I frowned. Buti pa siya naka-bili agad ng pagkain. Bakit ang swerte niya? Bakit ang malas ko? In all aspects of life ba 'to? Siguro may magandang jowa din 'to. Nasa kanya na talaga ang lahat.

I was about to turn around and just sleep my hunger away nang biglang tumunog ang tiyan ko. Agad siyang napa-tingin sa akin. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa panic.

"Di kita pinapanood!" was my initial reaction.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "I didn't ask?"

"Mukha ka kasing feelingero."

"May ginawa ba ako sa 'yo? Bakit parang ang lalim ng galit mo sa akin?" nagtatakang tanong niya. I just pursed my lips together and glared at him. Ano namang sasabihin ko? Badtrip ako sa kanya dahil natalo niya ako sa boards? I mean, hindi naman ako badtrip talaga dahil doon. Masaya na ako na top 2 ako. Nabaling lang sa kanya iyong pagka-badtrip ko dahil sa reaction ni Mommy.

"Wala."

"Sure ka?"

"Oo nga."

"Okay..." sabi niya. "Gusto mong pagkain?"

Umiling ako. "No, thanks," I said pero iyong cooperative kong tiyan, ang lakas ng tunog! Ano ba 'yan! Nakaka-sira ng image!

"Share na tayo. 'Di ko naman 'to mauubos," he said, pointing at his food na mukhang kaka-simula pa lang.

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Where stories live. Discover now