Chapter 12

176K 8.6K 3.2K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.


#IrrefutablyYours Chapter 12

The proposal—or whatever that really was—wasn't discussed again.

Para bang walang nangyari.

Admittedly, the day after was weird... pero nakonsensya siguro si Marcus dahil birthday trip ko iyon kaya naman pinilit niya na maging maayos iyong kinabukasan.

We went to the Wizarding World as planned tapos ay pinuntahan namin sa Nara iyong mga deers.

We were good at pretending that nothing's wrong.

"Nakita mo ba ngayon?" I asked Yanyan.

"Kaninang tanghali lang. Bakit kasi 'di mo na lang tawagan?"

I sighed. "Nakokonsensya ako."

"Gaga ka kasi. Wala namang ginagawa iyong tao tapos inaway mo. May sapak ka sa ulo?"

I sighed again. "E ano'ng magagawa ko?"

"Tigilan mo pagiging praning. 'Di cute tignan," she said. "Dami kong guy friends na nakipagbreak sa mga jowa nila dahil puro daw 'tamang-hinala' kahit wala naman talaga silang ginagawa. Ikaw din... Mamaya makipagbreak si Marcus sa 'yo dahil ginawa mong hobby na pagbintangan siya."

"Grabe naman 'to! 'Di ko naman pinagbintangan si Marcus!"

"E ganon na rin 'yun. Ikaw naman laging nagbibring up kay Joey."

I remained silent.

Tama naman kasi siya.

"Tawagan mo na kasi kaysa sa akin ka nangungulit."

"Di ko bilhin mga pinapa-bili mo, e," I said.

She pouted. "Di naman mabiro 'to!" she said. "Pero wala namang ginagawa si Marcus. Nagduduty lang as usual. Sasabihan naman kita agad kung may ginagawang kalokohan. I got your back, sis!"

Napa-iling na lang ako.

Thankfully, busy din naman ako sa duty. Nagmemessage ako sa kanya and sumasagot din naman siya.

But it wasn't like before.

Ugh!

"Bye! See you on Monday!" paalam ko sa mga ka-trabaho ko. I immediately hailed a cab para maka-rating agad ako sa station. I was counting the seconds dahil sobrang hapit nung nakuha kong ticket. Sobrang last minute kasi!

Pero 'di bale na.

'Di ko na keri 'tong katahimikan.

Last call for boarding na nang maka-rating ako. Mabilis akong pumasok. Wala naman akong dala bukod sa backpack ko dahil weekend lang talaga ang uwi ko sa Pinas. Ni hindi ko nga sinabihan sila Mommy! Agenda ko lang talaga ay kausapin si Marcus dahil 'di siya maka-usap nang matino online.

I was anxious the whole flight.

I ordered coffee.

That didn't help.

Halos takbuhin ko iyong palabas nang eroplano nang maglanding kami. Mabuti na lang at halos hating-gabi na nang maglanding kaya wala ng pila halos sa immigration. Paglabas ko, mabilis akong bumili ng simcard at nag-internet para makapagbook ng sasakyan papunta sa condo ni Marcus.

I wasn't sure anymore sa duty niya dahil 'di nga namamansin masyado 'yung taong 'yun!

I mean, fault ko naman?

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Where stories live. Discover now