Chapter 4: How To Move-on

Start from the beginning
                                        

"Ayoko  pa rin." Pagmamatigas niya. "Ang kati-kati no'n, eh."


Dumating ang gabi at kaming lima lang ang nag-celebrate ng debut ni Ceia. Pero kahit kaming lima lang ay sobrang saya no'n. Madaming pagkain at nanood kaming lima ng movies hanggang sa nagsawa kami. Parang naging family bonding iyon. Panay ang tawa namin sa tuwing nakakatawa. Umiiyak naman kapag nakakaiyak ang eksene. Napapatalon naman kapag nabibigla. Sobrang dami ng napanood namin. Iba't ibang genre kaya iba't ibang emosyon rin ang naramdaman namin sa buong magdamag. Hanggang nakatulog silang lahat. Ako na lang ang gising at silang lahat ay nakangangang nakahiga sa sofa at foam sa sahig. Napangiti ako.

Huling ginawa namin ito ay bata pa ako.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang huling convo namin ni Zion. Ilang minuto akong tumitig doon.

Sana mag-message ka.

Please?

Pero wala.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako ng tahimik. Hindi na siya nagmessage pa muli.

***

Kinabukasan, kailangan ng bumalik ni papa sa trabaho niya. Nalungkot na naman kaming apat dahil hindi namin alam kung kailan siya babalik. Hinihiling ko na lang na sana bumalik na sa dati ang estado ng mundo, na sana magkaroon na ng vaccine.

Bumalik kaming apat sa gawi namin araw-araw. Panay ang gawa ni mama sa mga gawaing bahay. Tumutulong kami minsan. Hindi din mawawala ang away sa pagitan naming magkakapatid.

Walang araw na hindi ko naisip si Zion. I already unblocked him, pero hindi pa rin siya nagcha-chat. Sa tuwing makikita ko siyang online ay nakatitig lang ako sa convo namin at hinihintay na mag-chat siya pero wala talaga. Minsan hindi ko na matiis na magtipa ng gusto kong sabihin sa kaniya pero hindi ko magawang i-send. Dumaan pa ang mga araw ay wala talaga kaming komunikasyon. Mukhang desidido siya na makipaghiwalay sa akin. Hindi ako pwedeng maging ganito na lang sa susunod pang mga araw. Siguro nakamove-on na siya sa'kin atsaka masaya talaga siya siguro sa ML niya. I should start moving on too.

"But how?" I asked Ceia when she suggested that I should move on.

"Mag-wattpad ka nang hindi tumitigil hanggang sa makatulog ka na sa ST. Peter." Namura ko siya dahil sa sinabi niya. Ang sama talaga niya. Pareho sila ni Zion. Hindi maganda ang mga biro.

Hays. Naiisip ko na naman siya. Parang lahat ng bagay na lang ay konektado sa kaniya.

"Biro lang. Paano kaya?" Tumingin siya sa kisame at nag-isip. "Hindi ka naman pwede makipag-date sa iba kase bawal naman lumabas..." Grabe, ang bilis naman 'pag gano'n. Makipag-date agad sa iba?

"Mag-isip ka ng iba." Utos ko sa kaniya. Tinignan niya ako ng masama bago muling nag-isip.

"Mangchat ka na lang sa kung sino-sino diyan." aniya, wala ng maisip na iba.

"Ano?! Hindi ko nga siya magawang i-chat, 'yong mga kaibigan ko pa sa social media kaya?" Nanlalaki ang mga mata kong ani. "'Tsaka ano ang sasabihin ko sa kanila? Hoy, landiin mo'ko, broken ako, gusto ko makamove-on? Gano'n?"

"Oo." tugon niya dahilan para batukan ko siya. "Aray! Putsa ka!"

"Umayos ka kasi." Sabi ko.

"Maayos naman ako, ah. Wala akong lagnat. Okay lang ako." Aish! Sira na naman ulo niya! "Charot." or ako iyong sira? Hindi naman! Masiyado lang akong seryoso. "Mag-LMSC ka na lang para may dahilan kang i-chat sila. Malay mo isa sa mag-like 'yong meant to be sayo." Aniya habang nililisan ang kuwarto ko. Magsasalita pa sana ako pero nakaalis na agad siya ng kuwarto, nagmamadali.

Like My Status, ChatWhere stories live. Discover now