Because of so much irritation, I blocked him. Pain and irritation is eating my rationale thought. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko.
"So nag-away nga kayo?" Napalingon ako sa pintuan ng kuwarto ko at nandoon si Ceia, nakasandal at magka-krus ang braso. "Anong napag-usapan niyo? Ba't ganiyan ang mukha mo? Kulang na lang ay makita mo siya at sunggaban." Aniya habang lumalapit sa kama ko at naupo do'n. "You can tell me everything."
"We just broke up." Ilang segundo bago ko nasabi iyon.
Kumunot ang noo niya. "Why?"
"Mobile Legends," Maikling sagot ko pero naintindihan niya 'yon dahil tumawa siya. "What's funny?" Tiningnan ko siya ng masama.
"Naghiwalay kayo dahil lang sa ML? Kinginang 'yan. Hahaha. Ang immature," Aniya habang umiiling.
"Kung makapagsalita ka, parang alam mo ang dapat at tama sa isang relasiyon, ah? "
"Dzuh? Dapat alam mo rin ang mga ganiyan-ganiyan kasi nagwa-wattpad ka! Ang pinagkaiba lang natin ay sa K-drama ko nalaman." Aniya.
Matiim ko siyang tinitigan. "Siguro nagka-boyfriend ka na ng marami, 'no?"
She groaned in disbelief, "NBSB kaya ako! And, hello, hindi porque may alam ako sa mga rela-relasiyon na iyan ay may nakarelasyon na ako. Hindi lang naman sa eksperyensa natututo ang isang tao. May libro pa kaya, may tao ding tumuturo sa atin, may mga palabas at kuwento din na nagbibigay ng aral."
"Oo na. Oo na. Eh, di ikaw na."
"So, ano nga ang napag-usapan niyo."
Pinabasa ko sa kaniya ang napag-usapan namin through messenger. Hindi ako nag-alinlangan dahil para ko na ding barkada ang kapatid kong si Ceia. Masaya ako na may kapatid akong katulad niya. Kahit nag-aaway kami minsan ay nagiging kakampi ko rin naman siya katulad sa ganitong bagay. Para kaming mag-bestfriend.
"Tss. Kaya pala..." Nakangiwing iling niya. "Pareho kayong galit. Mahirap ayusin 'yan lalo na't hindi kayo magkaharap. Nag-uusap lamang kayo sa pamamagitan ng social media," aniya . "So, hahayaan mo na lang na matapos kayo ng gano'n gano'n lang?"
Ramdam ko ang kunot ng noo ko. Hindi ko alam ang isasagot. Nagdedebate ang galit at pagmamahal sa puso ko. Hindi ko talaga alam. Umiwas na lang ako ng tingin.
"Pero dahil ma-pride ka ay hihintayin mo siya na mag-sorry bago mo pansinin, 'di ba?" napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. She's right. Ma-pride nga ako. At 'yong sinabi niya na lang ang gagawin ko. Dapat ma-realize ni Zion ang ginawa niya.
I unblocked him.
But days later, he didn't sent any message. Palagi kong hinihintay ang message niya.
"Kung gusto mo kausapin ka niya, ikaw na lang ang unang kumausap sa kaniya." It was Ceia. Sobrang ganda niya sa make-up niya at sa curly hair niya. Maayos na maayos ang mukha niya. Kulang na lang ay dress.
Sumimangot ako. "Ayoko nga."
"Tss. Sabagay, mahirap lunukin ang pride lalo na kung bar ito." aniya. Ngumiwi na ako.
"Shut up. It's your birthday, dapat sayo tayo mag-focus." I said then walk towards her. Yeah, it's her 18th birthday today. Kaya dapat patungkol sa kaniya ang lahat ngayong araw lalo na't hindi makakapunta ang mga kaibigan niya and any other member of our family. "Where's your gown? You should wear it now." I asked and fixed her
"Why should I? Wala namang bisita."
"Bisita pa rin kami, 'no?"
