Chapter 13

178K 9.2K 4.5K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.


#IrrefutablyYours Chapter 13

"Ano 'to?" Marcus asked when I slid over a box towards him. Nasa resto kami—fine dining for a change. Lagi na lang kaming naka-delivery kapag kumakain, e.

I shrugged first. He arched his brow a little, but I just nudged him para buksan iyong box. Medyo kunot pa ang noo niya habang binubuksan iyon. I bit my lower lip in excitement.

"What?" he asked, and then looked at me in confusion. "Malayo pa birthday ko..." pagpapatuloy niya habang hawak iyong stethoscope. Alam ko naman may stethoscope na siya, but I saw him looking at that particular model! Pansin ko lang kasi na si Marcus iyong tipo ng tao na generous sa pamilya niya pero napaka-kuripot sa sarili. May pera naman siya!

"I know!" I said, grinning because I was so proud of myself. "But thank you gift 'yan kasi sinamahan mo sila Mommy sa airport," I continued.

Bago matapos iyong stint ko sa Japan, pina-punta ko iyong buong family ko doon para ma-tour ko man lang sila bago ako umuwi. Sabi ni Papa medyo nagpapanic si Mommy kasi first time nilang aalis tapos wala naman ako roon para i-guide sila... e medyo walang kwento iyong mga kapatid ko. So, I asked Marcus kung pwede na samahan sila, and he said yes without hesitation.

Sinundo niya sila Mommy sa hotel tapos sinamahan niyang maglunch tapos ay sinamahan niya rin sa mall nung may nalimutang bilhin si Mommy. Tapos ay hinatid niya sa airport at hindi siya umalis hanggang hindi boarding iyong flight.

Instant pogi points talaga, e!

"Grabe. Wala lang naman 'yun," he said, but looking at his new toy with such glimmer in his eyes. Excited na rin akong ibigay iyong birthday gift niya! Naka-kita ako nung set sa Amazon, e. Miss na ni Marcus magkutingting ng mga chemicals.

"Tuwang-tuwa nga si Mommy sa 'yo."

"Talaga?" tanong niya nang biglang mapa-tingin sa akin.

I nodded. "Bihira lang 'yun."

Natawa siya. "Kinakabahan pa rin kaya ako kay Tita."

"Okay lang 'yan; ako rin naman," I said tapos ay natawa siya.

It's been 2 weeks since I returned. Nagpahinga ako ng dalawang linggo bago ako bumalik sa hospital. Dumiretso ako sa province since sabay naman kami ng pamilya ko bumalik—another reason kung bakit nasa Japan din sila ay dahil tinulungan nila akong magpack.

"Bawi ako sa birthday mo," he said.

"Mag-e-expect ako."

Humalakhak siya. "Ano ba'ng gusto mo?"

I shrugged. "Surprise me."

Buong dinner, kinulit lang ako ni Marcus sa kung ano ang gusto kong ma-receive sa birthday ko. 'Di ko lang masabi sa kanya na wala naman na akong gusto pa. Feeling ko kasi natupad na iyong mga winiwish ko kapag birthday ko—may title na ako, may boyfriend na ako, tapos medyo okay na kami ni Mommy.

I felt like it would be too much to ask for more.

Masaya na ako, e.

Sabagay... sabi naman nila, true happiness lies in contentment. Tama naman. Kasi kahit gaano pa karami ang meron ka, kung hindi ka naman kuntento, wala ring kwenta.

After dinner, inalalayan ako ni Marcus maglakad. Since siya ang magda-drive, hindi siya uminom. I helped myself with the wine kasi sayang naman! It paired nicely with the steak.

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon