Chapter 18

58 3 0
                                    

Carter Pov




"How is she? " tanong ni Nike ng makapasok kami sa silid ni Clymene dito sa Nostalgia.  Isang araw matapos ang operasyon nito ay hindi pa din ito nagkakamalay.




"She's fine, sooner or later she'll wake up. " sagot ng doctor nito.  Simula din ng matapos ang operasyon ay hindi din ito umaalis sa tabi ni Clymene bagay na ikinataka ko.




Is he Clymene boyfriend?

"Mabuti naman.  We've been waiting for her to wake up. " Styx said.

"hindi ka pa babalik ng hopsital Third?" Nike asked the doctor.


"Tumawag na ako sa hospital.  May isang general surgeon na dumating kahapon so hindi ganun kadami ang pasyente ko ngayon. " sagot naman nito.




"Kapag nagising na ba siya Third ay hindi naman siguro siya magbabago diba? " Zylus asked out of nowhere.




"Tagiliran ko lang yung tinamaan ng bala tanga. Hindi apektado ang utak kong siraulo ka. " agad namang nabaling ang atensyon naming lahat ng biglang mag salita si Clymene at idilat nito ang kanyang mga mata.





"" Fuck?! boses ko lang pala makakapag pagising sa kanya. " hiyaw ni Zylus na agad na lumapit dito.



"Naalala mo ba ako?  Ako ito?  Si Zy ang gwapong agent mo. " sunod sunod na sabi nito.




"Lumayo ka sa akin at baka ikaw ang maratay sa higaang ito. " babala nito. 




Agad namang lumayo si Zylus at sinamaan ng tingin si Clymene.




Napahinga naman ako ng maluwag ng mapagtanto kong maayos na nga ang kalagayan nito.





"Where's Duke? " agad na tanong nito.





"He's resting, maayos ang kalagayan niya.  You don't need to worry. " sagot ni Nike.




"Mabuti naman. " Clymene said.




" Are you stupid to risk your life and didn't even ask for help? Are you really trying to kill yourself?" napuno ng katahimikan ang silid ng magsalita ang doctor.  Walang nag lakas loob na mag salita kahit sino man sa mga agent na nasa loob.




"Paano na lang kung napuruhan ka?  Ano sa tingin mo ang mangyayari sa maiiwan mo?  Hindi ka ba nag-iisip? Stop putting your life in danger, hindi ka immortal Clymene!." ani nito na mababakas ang inis sa boses.  Nanatiling tahimik si Clymene at nakikinig lang. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong may taong kayang mag salita ng ganito sa kanya.




"I'm sorry. " mas lalo akong nagulat ng marinig ko ang sinabi nito.





Is this for real?  She's saying sorry?!




"Ayokong may madamay sa gulo ko.  At isa pa, buhay ni Duke ang nakasasalay dun.  Alam mong handa akong mamatay just to save my brother.  I won't let anyone hurt him nor touch him. " mababakas ang galit sa tono ng boses nito ng mapag usapan ang kapatid nito.



"I get your point Cy, pero sana naman nag sabi ka sa mga kasamahan mo.  I know your capabilities pero please naman, just ask for a fucking help. " the doctor said.




"Enough with that Third. " awat ni Aelous dito.




"Let him Ae, she deserves that.  At isa pa, alam nating si Third lang ang may kakayahang pagalitan siya ng ganyan. " natatawang sabi ni Nike na ikinangisi na lang ng iba.


"If you want Third to stop then ikaw ang pumalit sa kanya.  Pagalitan mo. " Hamon ni Styx.



"Continue Third.  Sorry for interrupting. "sabi ni Aelous bagay na ikinatawa ng lahat.




Ibig sabihin, sa lahat ng taong nasa loob ng silid na ito ay ang doctor lang na ito ang may kakayahang pagalitan si Clymene ng ganyan?




Anong mayroon sa kanila?

Nostalgia Series 3; Clymene De Silva[ON HOLD]Where stories live. Discover now