Chapter 15

57 4 0
                                    


Clymene Pov




Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko sa lugar na sinasabi ng taong nag padala sa akin ng mga larawan ng kapatid ko.  Hindi ko ininda ang sugat na nasa palad ko dahil sa basong nabasag ko kanina hindi ko din ininda ang bilis ng pagmamaneho ko makarating lamang ako sa lugar na sinasabi sa mensahe.




Don't they even dare to touch even the inch of my brother's hair, i won't hesitate to end their life brutally.





Nang makarating ako sa sinasabing lugar ay agad akong bumaba sa aking sasakyan.





Tumambad sa akin ang ilang sasakyan sa gitna ng kalsada at ilang armadong kalalakihan. walang bahay na makikita sa lugar na ito kaya walang mag aakalang may taong naririto.





"Where's my brother?" agad na tanong ko sa mga ito.





"May lakad ka ba? Masyado ka naman yatang nagmamadali De Silva." sabi ng lalaking leader ng sindikato.






Malaki ang galit sa akin ng sindikatong ito dahil sa pagkakakulong ng kapatid niya. 





Ang buong akala namin ay nawasak na sila sa ginawang hunting namin noon kung saan nahuli ajg kapatid nito na siyang leader ng sindikato noon.





"Don't waste my time Alamandro.  Where's my brother?" malamig na tanong ko sa mga ito.





Ngumisi lang ito at sinenyasan ang mga tauhan nito.  Ilang minuto pa ay lumabas sa isang sasakyan ang kapatid ko na may pasa sa kaliwang pisngi nito, napansin ko din kaagad ang sugat sa kamao nito patunay lamang na nalaban ito bago siya nakuha ng tuluyan ng mga hayop na ito.




Masyado akong sensitibo pag dating sa kapatid ko,  ayaw na ayaw kong nasasaktan ito o nagkakaroon ng kahit anong pasa sa katawan mula sa mga taong kalaban ko.





"Get off of me! " asik ng kapatid ko sa mga lalaking nakahawak sa kanya.





"You touched him. " malamig na sambit ko.  Nawala ang ngiti sa labi labi ni Alamandro at tila ba namutla ito ngunit agad naman itong nakabawi. 





"Ate!" sigaw ng kapatid ko habang nagpupumiglas sa mariing pagkakahawak sa kanya.





"Let go of me! " hiyaw nito.




"Hindi mo kami matatakot sa kanyang tono ng pananalita De Silva.  Ikaw nga ang dapat matakot dahil hawak namin ang kapatid mo. " angil nito sa akin.






" Why should i be afraid, kung kayang kaya ko naman kayong ubusin mula sa kinatatayuan kong ito.?" sabi ko kasabay ng pag hugot ko ng baril na nasa tagiliran ko.






Sunod sunod namang bumunot ng baril ang mga ito at itinutok sa akin.





"Duke.  Alam mo na ang gagawin mo. " baling ko sa kapatid ko bago pinaulanan ng bala ang mga taong nasa harap ko.





Duke used all his strength para makawala sa lalaking may  hawak sa kanya at sinamantala ang pagkakataon para makatakbo patungo sa kotse ko.





Nang masiguro komg ligtas na ang kapatid ko ay umatras ako sandali.

Agad kong kinuha ang isa pang baril ko at muling humarap sa mga ito. 





Sunod sunod na bala ang ibinigay ko sa mga ito dahilan upang hindi ko mapansin ang lalaking nasa hindi kalayuan at agad na sinamantala upang mapaputukan ako.





agad akong nagtago sa isang malaking puno ngunit huli na ito dahil tinamaan ang tagiliran ko.  Hindi ko ininda ang tama ng baril na nakuha ko at walang pakundangang pinagbabaril ang mga kasamahan ni Alamandro.




Ilang minuto pa ay tanging mga katawan na lang ng mga sindikato amg nagkalat sa kalsada.




" Where are you going? " malamig na turan ko kay Alamandro ng makitang pasimple itong umaalis. 




May tama din ito ng baril sa paa dahilan upang hindi ito makalakad ng maayos.




"Damn. " mahinang daing ko ng makaramdam ako ng sakit mula sa braso ko.




Fuck? 




hindi ko napansin na tinamaan din pala ako sa braso.





Agad akong lumapit kay Alamandro at ipinukpok sa ulo nito ang baril na hawak ko dahilan upang mawalan ito ng malay.





I quickly dialed someone number.




"I got Alamandro. Clean my mess also. " sabi ko bago ibinaba ang telepono.




isa ito sa mga kakilala ko sa loob ng pulisya at matagal nilang hinahanap ang mga taong ito.




"Ate! " hiyaw ni Duke at nagmamadaling lumapit sa akin.




"You got shot! " nag-aalalang tanong nito.  Agad naman ako nitong nasalo ng muntikan na akong matumba.




"F-Fuck!  This is all my fault. " naiiyak na sabi nito.




"It wasn't your fault .  Bring me to HQ. " utos ko.





Agad naman nito akong inalalayan patungo sa sasakyan pagkatapos ay mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan paalis.

Nostalgia Series 3; Clymene De Silva[ON HOLD]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora