"Dito na muna tayo, bukas na tayo bumalik sa condo ko. I think you should rest, mukhang kanina ka pa umiiyak" sabi niya sa akin kaya naman nakaramdam ako ng hiya. Hanggang ngayon ako pa din ang inaalala niya. Ang kapakanan ko pa din ang inuuna niya.


"Sige..."


Muli akong bumalik sa pagkakahiga kahit pa hindi na ako dinalaw ulit ng antok. Nakatitig ako sa may kisame ng aking dorm habang pinapakinggan ang pagtulo ng tubig mula sa shower. Naligo muna si Kenzo, nagdesisyon din siyang bumaba na lamang kami mamaya para kumain ng dinner. Gusto sana niyang dito na lang kami kumain, but I insisted to go out. Mababaliw ako dito sa loob ng dorm dahil sa kakaisip. I think I need a normal environment. The real boyfriend - girlfriend thing.



"Kumain na muna tayo ng mirienda" yaya niya sa akin pagkalabas niya ng banyo. Bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. Tanging itim na jersey shorts lamang ang suot niya, ang hawak niyang tuwalay ay patuloy pa din niyang ipinupunas sa kanyang basang buhok.


Umayos ako ng upo at bumaba sa kama. Gumapang ako patungo sa ibaba ng sofa kung saan kami palaging kumakain. Nagindian sit na ako habang hinihintay na umupo si Kenzo sa aking harapan.


"Sandwich at juice lang ang nabili ko. Nagmamadali ako kanina, hindi ka kasi nagrereply sa mga message ko" paliwanag niya sa akin kaya naman napaawang ang bibig ko. Dinungaw ko ang aking cellphone na patay ngayon. Matapos ang tawag ni Daddy ay mabilis ko iyong pinatay, ayoko ng makareceive pa ng kahit ano mula sa kanya. Tama na para ngayong araw, alam kong hindi ko matatakbuhan ito pero that is enough for today.


"Sorry, lowbat" pagsisinungaling ko sa kanya. Kita ko ang pagtiim bagang niya. Bahagya din siyang sumulyap sa aking cellphone na nakapatong sa aking side table bago siya marahang tumango.


Nagumpisa kaming kumain ni Kenzo. Medyo nahirapan pa ako nung una dahil pakiramdam ko ay wala naman talaga akong ganang kumain.


"Nagkausap na kami ni Fideliz. I gave her the closure you're talking about" seryosong sabi niya sa akin na bumagsak sa aming katahimikan.


Nagangkat ako ng tingin sa kanya. Duon ko nakumpirma na nakatitig na din siya sa akin. Hindi ko alam kung kakatitig niya lamang ba o kanina pa talaga siya nakatitig sa akin at pinapanuod ang aking bawat paggalaw.


"A...anong nangyari?" tanong ko kunwari. Kahit ang totoo ay narinig ko naman lahat ng paguusap nila kanina.


"I don't wanna be friends with her anymore. I choose you, Sera. I will choose you everytime, whatever the circumstance is" matigas na sabi niya sa akin. Nanuyo ang aking lalamuna, hindi ko alam kung paranoid lang ba ako o parang may laman ang pagkakasabi niya nuon sa akin.



I will choose you too! Palagi din kitang pipiliin, Kenzo. I want to say it loud. Gusto kong malaman niyang wala na akong ibang pipiliin pa bukod sa kanya. I love him so much. Ang kaso ay biglang umurong ang aking dila, bigla akong nawalan ng lakas. Tangina, naduwag ako!


"Ikaw, Sera. Will you choose me?" tanong niya sa akin. Halos mamanhid ang aking buong katawan dahil duon. Parang pinasakan bigla ng malaking bato ang aking lalamunan. Marahan akong tumango sa kanya bago bumagsak ang mga mata ko sa hawak kong sandwich.


Sabay kaming bumalik ni Kenzo sa kama para humiga at matulog. We have a lot of time to kill, at kita ko din ang pagod sa kanyang mukha. Nagkaroon ako ng chance na pagmasdan siya ng mabuti ng makatulog siya habang nakayakap siya sa akin.



May kakapalan ang kanyang kilay, mas lalong sumisexy iyon sa tuwing kumukunot ang kanyang noo. Mahaba anv kanyang pilik mata, he has a cute set of eyes. Yung mga mata niya ang kusang nangungusap sa tuwing tinitingnan ako. Matangos ang ilong, dahil na din may lahi siyang espanyol. His lips a bit red, natural iyon.



The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now