Chapter 4

15 5 2
                                    

Pareho kaming nakaupo habang nakayuko at hindi makatingin sa isa't isa.

Nagtataka naman kaming nilingon nila Mommy at ang mag asawang Montreal.

"Did you already known each other?Bakit parang nagkakahiyaan ata kayong dalawa?" tanong nila samin.Kaya naman ay tinapangan ko ang sarili ko at deretso siyang tinignan sa mata........just by founding out na nakatingin narin pala siya sakin.Iniwas ko naman agad yung tingin ko sakanya at nagaktong magpapakilala. "H-hi,nice to meet you,I'm Arabelle Sanchez" sabay abot ko ng kamay sakanya.Ngumiti naman siya at tumayo saka inabot din ang kamay ko. "Hey,nice to meet you too,I am Kyle Montreal" ngiting pakilala niya sakin saka kami nagtitigan ng ilang segundo bago ulit naupo dahil nagsalita si Mr.Montreal.

"So,i supposed you already knew the engagement,right hija?" tanong nila
sakin.Tumango naman ako at tipid na ngumiti. "W-what engangement are you saying dad?" gulat na tanong naman ni Kyle sa daddy niya.So he doesn't know yet.Hindi pa nila nabanggit sakanya pero pinatawag na agad siya dito.

Tumingin naman siya sakin na may mga nagtatanong na mata.Pero tinignan konalang din siya at hindi na nagsalita.Maski ako ay nagulat din dahil hindi ko naisip na isang Montreal nga pala siya,hindi ko agad naalala...

"You're going to marry her" pinal na sabi ni Mr.Montreal sakanya.Natulala naman siya bago tumayo at nagprotesta. "No,I'm not dad! May mahal akong iba at alam niyo yun! Masasaktan kolang siya!" sagot niya kay Mr.Montreal.

Nagulat naman ako dahil hindi ko akalain na may pakeelam pa siya sa nararamdaman ko.Sila mommy at daddy ay nakatungo lang din na pinapanood silang magtalo.

"Sino!? Yung kababata mobang lagi mong sinasabe ha!?" mataas na boses na sabi ni Mr.Montreal kay Kyle. "You know me son.Alam mong hindi ako tumatanggap ng mga taong may mababang uri!" sigaw ulit ni Mr.Montreal.Nakita ko ang sakit na dumaan saglit sa mga mata ni Kyle pero agad ding nawala yun at napalitan ng walang emosyon na mukha.

"Stop it you two! Hindi na kayo nahiyang magama! May mga bisita pa tayo dito oh!" inis na saway sakanila ni Mrs.Montreal.Tumigil naman sila pero tulala padin at hindi makapaniwalang mukha ni Kyle ang nakatingin sa tatay niya.

"You're not like this dad,Hindi ka ganito dati" hindi parin makapaniwalang sambit ni Kyle sa ama niya bago ito tumayo at nauna nang lumabas.Sinundan ko naman siya ng tingin palabas bago naibaba ang ulo ko.

Ayaw niyang maikasal sakin....dahil may mahal siyang iba....

Parang may karayom na tumusok naman puso ko sa isipin nayun pero agad ko ding pinilig ang ulo ko dahil hindi dapat ako nagiisip ng ganito.Agad naman akong tinawag ni mommy at bumulong sakin "Go after him,magusap kayo ng maayos,kami na ang bahala dito.Kelangan mo siyang mapapayag sa kasal nato.Maliwanag?" nananakot na sabi sakin ni mommy kaya naman ay agad akong tumango bago tumayo at sundan si Kyle.

Hinanap ko naman agad siya paglabas ko pero hindi kona siya makita.Nilibot kona ang lahat ng building pero walang anino niya pa akong nakikita.Kaya naman ay sinubukan ko siyang hanapin sa rooftop at nang makitang andon siya na nakatungo habang nagpapahangin ay nakahinga ako ng maluwag.Nilapitan ko siya,tumabi sakanya,at nakitingin din sa kalangitan na ngayon ay kumukulimlim nanaman.Sabay na hinahangin ang buhok niyang bagsak at buhok kong nakalugay na.He sighed before started talking.

"My father is not like that before" paguumpisa niyang magsalita bago ako nilingon. "Kahit kailan hindi siya nagmaliit ng isang tao nang dahil lang sa antas ng pamumuhay nito." sabi niya habang nakatingin sakin. "Kaya naman ay nagulat ako kanina nang marinig yung mga sinabe niya.At si Marisse pa mismo na sobrang bait sakanya ang pinagsalitaan niya ng ganoon." galit na sabi niya bago ulit tumingin sa langit.

"You know i always look up to my father." pagkwekwento ulit niya sakin. "Mas lalo ko siyang iniidolo sa bawat tagumpay na nakakamit niya." nakangiting sabi niya pero agad din yung nawala at napalitan ng galit at lungkot. "Kaya hindi ako makapaniwala na kaya niya palang magbitaw ng mga ganoong salita kanina habang deretsong nakatingin sakin....At sa babaeng mahal kopa mismo."

Hindi naman agad ako nakapagsalita at iniwas nalang yung tingin ko sakanya sa takot na baka mahalata niya ako.

"Pumayag kaba sa alok ng mga magulang mo?" tanong niya habang nakatingin parin sa itaas.Sumagot naman agad ako.

"Hindi ako pumayag,Sumunod lang ako." sabi ko sakanya.Napatingin naman siya sakin habang nakakunot ang noo. "Sumunod ka sa alok nilang pakasalan ako?" tanong niya at sa pagkakataong yun ay deretso na siyang tumitig sakin.

Nailang naman ako sa titig niya kaya napaiwas ako ng tingin at umastang natawa bago nagsalita.

"Oo,sumunod nalang ako,wala din naman akong magagawa at kahit anong sabihin ko hindi din naman sila makikinig." mapait na ngiting sagot ko sakanya at nilingon siya na saktong nakatitig parin sakin.Para bang hinahalukay niya yung buong pagkatao ko.

"Bakit hindi mo manlang sinubukan na ipaglaban yung karapatan mo bilang anak?" tanong ulit niya sakin habang mariin na nakakatitig. "Bakit hindi ka manlang nagprotesta?" kuryosong tanong niya sakin.

"Because i can't." tipid na sagot konalang sakanya saka tumanaw sa kalangitan na nagbabadya nang umulan.

Dahil duwag ako at palagi akong pinangungunahan ng takot ko na baka kapag hindi ako sumunod o nakinig sakanila ay baka tuluyan na nila akong itakwil bilang anak nila.....at hindi ko kaya yun.I can't afford to lose them too.Nawalan nako ng kapatid at hindi kona kakayanin kung mawawalan pako ng magulang...

"Hindi ko alam kung papayag ako sa gusto ng mga magulang ko o susundin ko ang puso ko." naguguluhang sabi ni Kyle. "Hindi ko alam kung kaya kitang mahalin ng higit pa sa pagmamahal ko kay Marisse." sabi niya sakin at muli akong nilingon. "Mahal ko si Marisse Ara,Mahal na mahal ko siya kahit hindi kopa naaamin sakanya.Mula pagkabata mahal kona siya hanggat sa pagtanda mas lalo ko siyang minamahal.Hindi dahil sa itsura niya kundi dahil sa dignidad,ugali,at kung anong klaseng buhay meron siya." nakikita ko sa mga mata niya ang sinseridad na kung gano niya talaga kamahal si Marisse.

Napangiti nalang ako sa sinabe niya kahit may sakit na namuo sa dibdib ko.At nang lingunin niya ako ulit ay may kaunting ngiti na sa labi niya.

"Ikaw? Nasubukan mona bang magmahal?" hindi ko naman inaasahan ang tanong niyang yun kaya naman ay napamaang ako at napatitig sakanya ng sandali bago magsalita.

"No,i never felt the feeling of being inlove." sagot ko naman sakanya. "Really? In your whole life hindi mopa naranasang magmahal?" hindi makapaniwalang tanong niya.Ngumiti naman ako at tumango bago sumagot.

"Yes" and the feeling of  being truly loved by many or someone." pabulong na sagot ko sa huli.

"Alright then." napatingin naman ako sakanya. "What?" tanong ko. "Pumapayag nakong ikasal sayo." sabi niya sakin pero nababasa ko sa mga mata niya na hindi siya ganon kasaya.
"But i thought you just said that you loved someone else?" tanong ko naman ulit sakanya. "Well yeah,i love someone else at hindi na mababago yun.Pero pakakasalan parin kita dahil sa gusto ng mga magulang ko at dahil......... napatitig muna siya sakin ng sandali bago tinuloy ang sasabihin niya.

gusto kong maranasan mo kung paano ang magmahal." pagtatapos niya sa sasabihin niya.

Napamaang naman ako at hindi agad nakapagsalita.At sa gitna ng maaliwalas na hangin at makulimlim na kalangitan ay napatitig ako sakanya.

And those gray eyes that is staring straightly into my eyes,It feels like he is delving into the depths of my souls.Wanting to know more about me.

And i'm so scared,so scared that he will see right through me the pain,hatred and loneliness that i am long hiding.

HER PAINWhere stories live. Discover now